11.28.2004

Boracay sa binyagan

Kanina nasa binyagan na naman kasi ako. Si Roman, isang kakaibang nilalang ay nasa simbahan din. Kaya siya kakaiba dahil sa iba sya mag-isip...hindi naman kulang kulang ano pero parang may bipolar disorder sya na dillusional...well of course di ko naman tinanong kung ano sakit nya sa utak dahil alam nya kaya na may sakit sya sa utak?

Anyway, binati nya ako kagad. Syempre sikat ako e. Lakas ng boses at take note nasa loob kami ng simbahan. Binati ko naman sya. Tapos umupo ako kagad sa tabi ni Jhut isa sa mga ninang din sa binayagan.

Nagkukuwentuhan kami ni Jhut nang biglang tinanong ako ni Roman na kung may boyfriend na daw ba ako? Actually, kausap na niya sarili nya bago nya ako tanungin. Sabi ko wala pa ulit. Tapos sabi niya siya na lang daw ang maging boyfriend ko.

Hindot na 'to! The nerve! Nagkantiyawan nga yung mga kumpare ko (alam rin nila ang pagkasayad ng utak ni Roman) Pero knowing nga na may sayad nga ang utak e sinabi ko na lang na ay sorry me asawa na pala ako! Tapos sinasabi niya na manghihiram sya ng 2000 pesos para pambili ng computer. Basta in short ang ingay ingay nya. Pero naaliw naman kami sa kanya kasi nga ang kulet!

Nang nasa reception na kami, gumawa ang mga kumpare ko (na mga kasamahan ko rin sa choir sa simbahan dati) ng boracay - pinaghalong Tanduay, Coke, Milo, coffee at condensed milk - astig ano?! Tanghena ang tapang! Binuhos kasi yung isang long neck ng tanduay! Kaya lola nyo, bagama't mahinang uminom nilagyan ng tubig at napakaraming yelo ang baso ko.

Eto na...ang kulit na nila. Nagtanong ang isa sa mga kumpare ko (syempre lahat na dito may sayad):

Roman: Gusto ko bumili ng computer.
Kumpare 1: Ah oo sige bili ka. Ang latest ngayon Pentium Life.
Ako: Hahaha.
Kumpare 1: Ha! Mabilis yun!

Kumpare1: Ano kaya magandang palabas sa sinehan ngayon?
Kumpare 2: Star wars 3
Roman: Anong title ng movie?

Sa tanong nito ni Roman natigilan si Kumpare 2.

Kumpare 3: Return of the King.
Kumpare 2: Hindi ko nasagot yun ah.

Hahahaha.

At nga pala...napagkamalan na ako ang asawa nung nagpabinyag. Tanghenang yan! Mukha na ba akong nanay??? Hmmm kelangan ko na ata ng make over ah.




No comments: