ang isa sa mga nakakainis at nakakabuwisit na parte sa isang pakikipagrelasyon ay ang unwanted longing at pagkakamiss sobra sa isang tao...ang pagiging atat na atat na siya ay masilayan mong muli...
bwiset!!!!
posible ba na mapunta kagad dun sa parteng kayo na...nagkakaalaman na kayo ng mga tunay na saloobin??? hindi yung ganitong pinaiisip ka pa ng matindi kung gusto ka ba nya talaga o baka naghahanap lang sya ng makakasama...isang panandaliang aliw? o dahil sa walang iba na andyan kung hindi ikaw?
bwiset talaga!!!
ito ang parte sa ligawang ito ako'y naiinis...gusto ko magmadali...gusto ko malaman ngayon na kung meron o wala....para next na kagad...kung may remote control lang ako gusto ko i-past forward ang lahat ng mga bagay-bagay....
ngunit...
sa kabilang banda...mas maa-appreciate ko nga ba ang isang relasyon na nagbunga sa pagmamadali kumpara sa isang relasyon na pinagtibay ng pagsasama...ng paghihintay...pagpapasensya...pananabik....pagpapahalaga?
wag sana itong matulad dun sa nagdala ng pighati ng halos kalahating dekada.
No comments:
Post a Comment