5.16.2004

Paglilipat nila Aling Luz

Aalis na ang kababata kong kaibigan si Jhe. Lilipat na daw sila sa Quezon City. 16 years din silang nakatira dito sa Kalawaan. Marami rin kaming pinagsamahan. Bagama't di na kami kasing close tulad ng dati noong mga neneng pa kami. Pag me problema sya sa akin pa rin naman sya lumalapit para humingi ng mga payo. Ako hindi masyado, bihira akong humingi ng tulong sa ibang tao dahil lahat kinakaya ko.

Kakalungkot...ang pag-alis nya. Im never good at saying goodbyes.

Umiiyak na nga si Aling Luz at ipinagbibilin na yung mga santong ibibigay nya ke mama. Tumambay na nga ako dun kanina upang panoorin ang kanilang paglilipat. Hindi madali para sa kanila ang mawalay sa mga kaibigan at sa tirahang kinamulatan na ng isip ng kanilang mga anak.

Natutuwa ako sa inaanak ko, apat na taon na sya ngayon. Ayaw niyang paiwan ang kanyang pottie trainer na niregalo ko nang mag-ninang ako nung bininyagan sya samantalang di na naman nya kailangan yun. Mamimiss ko rin ang batang yun. Di bale me piyesta naman at Pasko.

Mamimiss ko rin sila. Wala nang babati sa akin sa umaga tuwing dadaan ako sa tapat ng bahay nila papasok sa opisina.

No comments: