Haaay kaburaot!
Naiwan ako dito sa office mag-isa. Bad trip. Kelangan eh pero dane ko na sasabihin kung baket.
Nagsawa na nga ako sa kakalaro ng solitaire saka ng freecell. Grabe tamad na tamad din ako na gumawa ng kahit ano. So tumakbo ang mga oras na wala ako masyadong nagawa.
Unproductive ang araw na ito.
Binabasa ko yung Inquirer kanina tungkol kay Angelo dela Cruz. Kawawa nga e kung tutuusin. Yung ibang mga NGOs and other organizations e over acting naman sa pag-rally. Sabi nga ng nanay ko. Bakit nung na-hostage yung mga ibang Pinoy ng Abu Sayaff eh hindi naman nag-rally ng ganyan? Eh halos pareho rin naman ang demands.
If I were GMA, hindi ko ipu-pull out ang mga troops. Why give in to the terrorist's demand? Ika nga ni Ramos, pag ginawa ni GMA yun para na rin niyang binigyan ng kapangyarihan ang mga terrorista. Gets?
Kung hindi ka firm sa decision mo at mag-give in sa threats ng mga terrorists eh di malamang in the future aabusuhin ka lang ng mga yan. Parang kaso ng kidnapping yan eh. Pag pinagbigyan mo ang mga hiling ng mga hinayupak na yan, hindi rin naman titigil sa paggawa ulit ng ganyang klase ng krimen. Lalakas pa nga ang loob nila dahil napapatunayan nila na dahil sa takot nakukuha nila ang mga gusto nila. (hmmm pwedeng i-apply to sa g-b relationships hehehe, same principle :))
Pero sa ibang banda, kung tatay mo or kapatid mo or significant other mo naman ang na-hostage eh talagang magdedemand ka rin sa gobyerno na gawin ang lahat para mapalaya lang siya. Kahit ilagay pa sa alanganin ang buong Pilipinas.
Tanghena naman kasi masyadong papansin 'tong mga terrorista na to e.
di naman ako galit ano?
Edit Post 07-14-04:
Isang pandagdag lang sa post ko. I should've also said na papansin din naman kasi ang USA. Kung hindi ba naman nila kasi pinasok ang Iraq at nakialam eh wala namang ganyan.
Kaya medjo naiintindihan ko ng kaunti ang ginawang pag-hostage ng mga Iraqis. Kung ikaw ba naman inatake ng isang dayuhan ang bansa mo. Pinatay at inabuso ang mga kababayan mo, nagnakaw pa ng ilang ari-arian at inangkin ang bayan mo eh hindi ka ba naman din magrerebelde at maghihiganti sa mga lumapastangan sayo at sa mga tumulong sa kanila na gawin yun?
Until now I ask myself...ano ba talaga ang reason ng mga kano sa pag-atake sa Iraq? Was it really because of Saddam and his nuclear capabilities? O dahil me mga pansariling mga dahilan...like oil perhaps?
Isang paglilinaw
Mga Jordanians pala ang mga terrorista na nasa Iraq. Mga kupal...
No comments:
Post a Comment