This morning while on my way to the office, I was forced to listen to Mike Enriquez. No choice. Di ko naman pwedeng sabihin dun sa mamang driver na pakilipat po sa NU107.
Highblood na naman ang lolo. SONA (State of the Nation’s Address) day kasi. And he kept on playing the campaign ad of Enrile, regarding lowering the electricity bill. Tapos na ang election and Enrile already won the senatorial seat pero it’s Mike’s way of reminding the senator about his promises.
Mike was asking the senators through phone interviews kasi if they’re going to attend the SONA. Sen. Arroyo was on the phone . 33 days na daw since na huling na-interview ni Mike si Arroyo. Eh ano naman ngayon? Eto ang nangyari sa usapan nila, syempre hindi verbatim:
Mike Enriquez (ME): Senator, aattend ba kayo ng SONA mamaya?
Sen. Arroyo (SA): Ah hindi. I’ve been a member of the congress for 13 years. After the 10th year ko hindi na ako umaattend nyan.
ME: Bakit naman ho hindi kayo pupunta sa SONA ng pangulo?
SA: Kasi isa ka lang furniture dyan e. Parang fashion show lang yan eh. Makikinig ka lang at hindi ka naman makakapagsalita o makakapagbigay ng reaction tungkol sa mga sinsasabi ng pangulo. Kapagkatapos nyan ay dudumugin ka ng mga reporters at tatanungin ka kung ano ang reaction mo sa sinabi ng pangulo. Eh mas mabuti nang makita ko muna yung text ng speech ng pangulo nang mapag-aralan.
I was hoping he would say that he has a lot more better things to do such as serving the people blah blah blah…than listen to the President’s SONA anyway, he can always listen to the radio or watch it on TV.
ME: Hindi ho ba kayo ang representative ng sambayanang Pilipino kaya kayo inimbitahan na pumunta roon dahil tungkulin nyo ito?
SA: Ah hindi na. Pwede ko naman panoorin yan sa Channel 7 Parang furniture ka lang dyan e..
ME: Ah ganoon ho ba panonoorin nyo na lang po sa Channel 7?
Ok na rin ang dahilan nya, kunsabagay kung makikipagplastikan ka rin lang naman sa ibang mga senator at ng mga asawa nito eh wag na nga. Ika nga, nagpunta nga lang naman daw ang mga yan duon para idisplay ang kanilang mga bagong barong.
Astig ka rin Pareng Arroyo ano? Then he was asked, what do you think about the (8) new tax bills that President Arroyo would be presenting to the Filipino people?
SA: Nung tumatakbo sya sa election hindi naman nya binabanggit yan. Tapos ngayon babanggitin nya yan sa SONA nya.
ME: Eh di ho ba parang suicide ang gagawin ng kahit sino mang kandidato sa pagka-Presidente ang magsabi na magpapataw siya ng karagdagang buwis kapag siya ay nanalo.
SA: Ang sa akin lang naman, dapat noong una palang sinabi na niya. Eh parang niloloko nya ang tao ngayon na sasabihin nya na magpapataw siya ng 8 bagong tax bills.
Ang gobyerno naman ang gumawa ng problema kaya nagkaroon tayo ng budget deficit eh. Kaya dapat sila rin ang gumawa ng solusyon para malunasan ang budget deficit na yan. Hindi iyong ang mga mamamayan ang pahihirapan nila sa pagsingil ng mga buwis na ito. Yun nga lang kung anong buwis na meron na tayo ngayon ay hindi nila masingil yun pa kayang yung dagdag na mga buwis pa na iyon.
Ang sinasabi ng gobyerno ay makakalakap sila ng P80 billion na dagdag sa budget kapag napatupad ang pagpataw ng mga buwis na ito. Mabutisana kung makalikom sila ng 20 billion (I doubt it).
Medj gulat ang lola nyo, Senator ikaw ba yan? For a while, I thought I was listening to a common tao na nagra-rant and rave tungkol sa gagawing pagpataw ng buwis ng pamahalaan. Napansin din ni Mike Enriquez yun. Come to think of it, whether you are a government official or a common mamamayan apektado ka pa rin kasi we’re bound to pay taxes!
Haaay I feel pressure! Mataas na kasi ang boses nila. Para bang hina-high blood. Ako rin maha-high blood pagka ganun. Ano na lang ang matitira sa sweldo ko kaya nun?! This is war!!!
On the side: Eto rin naman talaga ang gusto rin mangyari ng mga komunista dito sa bansa (yung war thingy kanina). Ang magkaroon ng chaos para mahikayat na palitan ang sistema ng gobyerno sa isang socialist type of governance. Hmmm…di rin kaya ito rin ang iniisip ng Administrasyon para magkaroon ng Parliamentary type of governance?
Tapos eto mas may sense yung sinabi nya. Not naman na nonsense yung mga pinagsasabi niya or anything ano? Anyway…
SA: Imbis na magpataw ng buwis palakasin ang sistema ng paniningil ng mga buwis. Hindi naman kasi 100% ay nasisingil ng BIR.
I have to agree with Sen. Arroyo. I think below 60 or 50% nga lang yata ang nasisingil kaya nagkakaroon tayo ng budget deficit. Eh ukininam na mga kupal at mga corrupt na government and private officials na yan eh hindi nagbabayad ng buwis. Kala nyo sa gobyerno lang nangyayari ang mga katiwaliang ito? Pati rin sa private companies. (dito lang nga sa office namin eh….)
Base sa survey na ginawa ng SWS (Social Weather Survey), makikita rito na may mga katiwaliang ginagawa rin ang mga private companies na may kinalaman sa pagbabayad ng buwis.
Kung makakagawa lang ng paraan ang mga hinayupak na opisyales ng BIR tungkol sa pangongolekta at pagpapatupad ng kaukulang batas sa pagbabayad ng buwis, as in strict implementation kumbaga ang mahuhuli ay makararanas ng matinding parusa, ay di na nangangailangan pa na dagdagan ang kahirapan natin sa pamamagitan ng mga buwis na ito.
Dapat magkaroon ng Performance Management ang BIR eh, parang ganun. Tapos ang di makadeliver ay putulan ng utin!
Anyhu…bagama’t sinasabi ni Sen. Arroyo na hindi sya sang-ayon sa pagpataw ng buwis na iprepresenta ng Pangulo mamayang hapon sumusuporta pa rin siya sa Pangulo. Syempre. At doon nagwawakas ang interview ni Kumpareng Mike.
Sana pinalipat ko na lang dun sa mamang driver sa NU107 or at least sa Love Radio – kailangan pa bang i-memorize yan??!
No comments:
Post a Comment