Ok, this is probably gonna be the first of the series of my fx and jeep experiences...wow, as in grabe...talk about the life of a commuter.
Eto na ata ang worst FX experience ko at sus ginuu marami na akong naranasan at ito na siguro ang pinaka kasuka-sukang karanasan ko sa tanang buhay ng pagkokomyut ko. Ididiin ko ulit, kasukasuka siya talaga!
So galing ang lola nyo sa Pampanga kasi may cliente kami dun. And as usual nagpababa ako sa may Starmall kasi may pila dun ng fx na umaabot hanggang city hall ng Pasig. So nagintay ang beauty ng lola nyo for almost an hour kasi syempre rush hour at madalang ang dating ng fx...as in madalang.
Anyway, dumating na ang fx at naupo na ang lola nyo sa likod nito dahil ang dami ko ring dala. Andun ako sa bandang dulo nakaupo. Opposite ko yung matabang ale na may marami ring dala. Kakaawa nga yung mamang katabi nya kasi kakaunti na lang talga yung space para sa kanya. Kumbaga kung bumukas bigla ang pinto ng fx eh hulog sya panigurado. Tapos isa ring ale ang katabi ko, hindi mataba.
Eh di lumarga na nga ang fx, ok na sana...normal ang traffic...tapos maya maya biglang...
Putangina!!! Ang baho!!! anak ng teteng!!! buti na lang kumain ako kundi masuka suka na talaga ako!!!
Ok! OA na ako, feeling ko nga ako lang ang nakaamoy kasi walang reaksyon yung iba kong mga kasamahan. Ok sige, pagbigyan...isang beses pa lang naman.
Maya-maya...putangina talaga!!!! tanghena hindi ko na talaga matiis ang kabahuan. Hinalughug ko ang laman ng bag ko...naghahanap ako ng bagay na makakapagbigay lunas kahit papaano sa kabahuan bumabalot sa loob ng fx na yaon.
Nasan ang perfume ko?!!!!
Ok fine! Wala ang pefume ko kasi nasa kailaliman ng bag ko! Anak ng putsa naman talaga oo! Tapos sa kakahalungkat ko...eto ang solusyon!!!
Sininghot ko ng sininghot ang amoy ng vaginal wash ko...haaay what a relief!!! Buong ulo ko nakasuksok sa loob ng backpack ko. Siyempre dyahe naman kung ilalabas ko yung vaginal wash ko no?! Me kahihiyan pa naman akong natitira.
So imagine nyo ang lola nyo, buong byahe ko ay nakasubsob sa backpack dahil sa nakakasulasok na amoy. Buti sana kung utot ko yun, mapagtiya tiyagaan ko pa.
No comments:
Post a Comment