Mula Pagkabata
“The moment we are born we start to die.”
Isa sa mga nagustuhan kong quotes. The moment we are born we start to die. Pessimista ang dating ano? Imbis na sabihin ko ba na the moment we are born we start to live.
The earliest memory I had of a death wish was I think Kindergarten or Elementary Level ako nun. Morbid kong bata ano? Pero masayahin akong bata sa totoo lang at happy rin naman ang childhood ko pero walang nakakaalam na may ganun klase ako ng pagiisip. May kakaiba ata akong pag-iisip. Siguro dahil sa lagi na lang ako ang napapagalitan at napaparusahan noong bata pa ako kaya siguro mas ninanais ko pa na mamatay na lang.
Napanood mo na ba yung mga pelikula ni FPJ? Yung kung paano niya bugbugin yung mga kalaban niya? Naalala ko na parang ganun ako kung pagalitan ako ng Tatay ko. Kung batukan niya ako, kung sampal-sampalin, kutos sa ulo, sabunot, kurot, pompyang sa tenga, pinaluhod na rin ata ako sa munggo, napalo na ng kahoy, ng kawayan at ng sinturon kulang na lang isako at isabit sa kisame o ibabad sa ilog. Ganyan siya magalit. Kaya hindi rin napalapit ang kalooban ko sa kanya. Sa murang edad ko kinukwestyon ko kung mahal ba niya ako para bigyan ako ng ganung klase ng parusa? At ang nakakagulo pa dito, matapos niya gawin yun aamuin niya ako na parang walang nangyari. Ano ka timang?
Kaya nga sana mamatay na lang sana ako nun, sa sama ng loob ko sa kanya. Naiisip ko na rin kung anong klaseng pagpapakamatay ang gagawin ko. Lalaslasin ko ba ang wrist ko? Pero masakit yun. Iinom ng lason? Pero mapakla lasa nun. Magbibigti? Hindi ko alam kung paano magtali ng pambigti. Overdose sa gamot? Me nao-overdose ba sa vitamins? Gustong mamatay pero takot mamatay sa paraang masakit. Ayoko makaranas ng pain kung mamamatay man ako, sana mamamatay na lang ako ng natutulog. Di bale mamamatay rin ako balang araw.
Sa aming magkakapatid (2 lalake, ako lang ang babae), ako na yata ang nakaranas ng mga matitinding parusa. Iniisip ko na rin na maglayas. Sus! Kung ilang beses ko pinaplano na lumayas sa amin. Pero naiisip ko naman saan ako pupunta at titira eh wala naman akong pera. Kaya ayun nagtiis ng napakaraming taon.
May mga nagtanong kung kanino ako mas malapit, kung sa nanay ko daw ba o sa tatay ko? Unang hula nila ay sa tatay ko daw. Kasi karaniwan sa mga anak na babae na mas mapalapit sa tatay, Daddy’s girl ika nga. Sabi ko sa nanay ko ako malapit.
Magtataka ka pa ba kung bakit malayo ang loob ko sa Tatay ko at parang lumalaban ngayon? Kung bakit tuwing lalapit siya ay ikaiinis ko at tuwing hihingi siya ng halik ay umaangal ako?
Iniisip ko na lang minsan baka hindi pa niya alam kung paano magpalaki ng anak? Bata pa siya nang mag-asawa at ako ang panganay niya. So siyempre lahat ng firsts nasa akin. Pilya at maldita rin naman kasi akong bata eh. Pero bata ako nun, malay ko ba sa mga tama at maling mga bagay. May ibang pamamaraan din naman ng pagpaparusa. Can’t you be more creative?
Sa mga nakalipas na taon, marami na rin ang nagbago. Nabawasan ang sungay ko, nagbago ang temper ng tatay ko at medjo bumait na siya ngayon. Nagkakasundo kami minsan pero may mga bagay-bagay pa rin na pinagtatalunan. Hindi na siya nananakit tulad ng dati bagama’t pag galit na galit siya ay di niya mapigilan ang kamay niya. Nilalayasan ko na lang or di na lang ako umiimik. Kinukulob ang galit.
Nandun pa rin nga lang ang urge na gusto mo nang mamatay, pero hindi na dahil sa mga parents mo kundi dahil sa hindi mo ma-gets ang meaning ng existence mo. Para saan? Para kanino at bakit?
Hindi naman araw-araw gusto magpakamatay, every month lang. Must be the hormones na rin and my mood swings na umaayon sa cycle ng moon.
Naalala ko nga pala. Pag nasa roof top ako ng isang mataas na gusali o kung ano mang infrastructure, lagi akong tumitingin sa ibaba. Sarap tumingin sa ibaba. Lagi kong iniisip ano kaya kung tumalon ako? Parang ang sarap kasi lumipad.
No comments:
Post a Comment