7.09.2004

Sana'y Wala Nang Wakas

Gusto ko nang umuwi!!!

Ngayon na kasi ang katapusan ng Sana'y Wala Nang Wakas, isang telenovela ng ABS-CBN. (OO na corny na kung corny, eh bakit ba!?)

Isang historical na pagtatapos daw ang magaganap dahil sa 2 ang pwedeng maging ending ng palabas na ito. Actually, nakagawa na talaga sila ng 2 ending. May botohan kasi kung sino ang gusto ng mga viewers na makatuluyan ni Ara/Gracie sa palabas na ito. Huling balita ko eh lumalamang ang tambalang Leo and Gracie sa talaan. Sa totoo lang mas gusto ko na silang dalawa ang magkatuluyan sa bandang huli at sana si Christian at Mary Anne ang magkatuluyan din.

Hmmm...pwedeng pagpustahan din ito ah. Parang yung taya sa ending ng Basketball.

Wish ko lang walang dayaan sa botohan na ito. Pero di naman ganun ka-corny ang lola niyo para sumali pa sa pagtext ng kung kaninong tambalan ang iboboto ko. Although, sabi ng mama ko text daw ako. Sus ginuu! Makigulo daw ba?!

Phenomenon talaga itong mga telenovelas na ito. Mas nanaisin pa ng mga miron ang manood nito kesa lumabas at makinig sa mga caucus at meeting de avance nung nakaraang national and local elections! Astig ano?!

Ala lang, excited na ako umuwi mamaya. :)


No comments: