9.20.2004

Alpha and Bert's wedding galore!

Last Saturday, pumunta ako sa wedding ni Alpha, isang malapit na kaibigan. Ito marahil ang kauna-unahang wedding na pinuntahan ko na nag-enjoy talaga ako. Karamihan kasi ng mga wedding na napuntahan ko nitong mga nakaraang taon ay kasal ng mga kamag-anak ko o ng mga kaibigan ng pamilya.

Ang kaibahan kasi ay una, hindi ko kasama mga magulang ko kaya walang magsasabi sa akin na “tingnan mo wedding nila ang ganda, sana pag kinasal ka ganyan din”. The pressure!!! Di ba? Minsan makakarinig ka pa ng kelan ka kaya ikakasal? Or ikaw na susunod! Dyesketch! Ok lang sana kung may boyfriend ako di ba?

Pangalawa, it was indeed a celebration of two people with close friends and family so it made the celebration more meaningful and solemn. Hindi yung parang ginawang excuse ang kasal para magkaroon ng family reunion. Ininvite lang talaga ang mga kakilala at mga kaibigan na tunay na malapit sa puso ng dalawa. Ganda!

Besides naiwasan din yung mga taong nagpunta dun para kumain lang. I hate it when that happens. I mean hindi pa tapos yung program ng kasal eh nagaalisan na ang mga tao dahil nakakain na sila, ni hindi man lang nga umattend sa celebration ng kasal. Parang yun lang talaga ang pinunta, para makalibre ng lunch or ng dinner. Mga bastos! Kaya pag ikakasal ako siguro unahin ko muna yung program bago sila magkainan. Sabay sabay tayo magutom! Panigurado naman magaalisan kayo pagkatapos ng kainan di ba?!

Pangatlo, I get to have a piece of the wedding cake! Hehehe sarap nung cake nya grave! Not the traditional sponge cake and white icing. Chocolate cake na may choco mouse! Oh wow! As in heaven! Yan ang wedding na mega ok kasama ang bisita sa heaven! Sana kasama din kami sa honeymoon pero medjo over na yun! Hehehe!:D

And since it’s a celebration nga, may sayawan!!! Wohooo! Talagang sinulit namin yung mobile hehehe. Wala kaming pakialam kesyo nakalong dress kami and fancy shoes. Sumakit lang talaga ang paa ko sa kakasayaw but that didn’t stop us from dancing. Tinanggal ko sapatos ko at sumayaw na parang walang bukas hehehe. Saka para matagtag din sa dami ng kinain namin. :D Parang hindi nga wedding eh. Parang JS Prom or debut party (kaya napagkamalan tuloy kami ng mga high school students nang magpunta kami sa Music 21 after the wedding)

Overall, it was a great wedding, sana maulit ulit!


No comments: