9.30.2004

Sampaguita Pictures

Natutuwa naman ako at may mga sumusubaybay sa aking blog at nagkakaroon na rin ako ng mga alagad! bwahahaha (o teka baka naman napilipit ang mga braso nyo para basahin ito?)

Paumanhin sa aking mga mambabasa pagkat ang lola nyo ay medjo bise bise (translation: nalipat kasi ako ng lugar na kung saan naexpose ang monitor ng aking computer, kaya kung magblog man ako o magsolitaire eh kitang kita ng madlang peeps in da opis. Mabubuking ako na nagaastang busy lang ako noong mga panahong nakatago ang monitor ko sa kanila.)

Pero in fairness, busy talaga ako nitong mga nakaraang araw...you know my nihonggo class, masters class and all that shit. Hahaha! Ala lang...natutuwa ako kasi hindi tungkol sa work or sa school ang ginagawa ko ngayon. Para akong nakahinga.

Kwento? Wala masyado. Di naman ganon ka-exciting ang aking buhay. Paminsan minsan lang na may dumating o maranasan na karapatdapat pagukulan ng panahon na ikwento sa inyo. Pero dahil nasa mood akong magsulat bago gumawa ng assignment eto...

Galing ako ng Pampanga kanina...and thank God! walang umutot sa sinasakyan kong fx maliban sa ako ;) Been having stomach aches since last night. And speaking of last night, bagama't pagod ako buong araw I slept at around 1 am na! Pakshet! Si jeff kasi naglalaro na naman sa utak ko kagabi.

Naisip ko kasi bukas ay Oktubre na...ikatlong anibersaryo ng aming paghihiwalay. At mula nang maging kami hanggang sa ngayon...give and take mga 5 years na rin...siya pa rin ang tinitibok ng aking puson.

Hindi lang siguro talaga maarok ng aking utak kung ano ang nagaganap sa aking limbic system at sya pa rin ang nasa sentro nito. Dumadating ba talaga sa buhay ng tao na nakikilala mo ang taong alam mong karapatdapat sayo subalit dahil sa mga hindi inaasahang mga pangyayari ay magkakalayo kayo at hindi na muling magtatagpo pa ng landas? At nangyayari bang talaga na kahit anong pilit mo sa sarili mo na magmahal ng iba ay hindi mo magawa dahil alam mo na naibigay mo na ang puso mo sa kanya at natatak na sa utak mo at puso mo na sya lang ang mamahalin mo hanggang sa mamatay ka? Kakaloka!

Kaimbierna kasi, nabubuksan na naman ang utak ko sa mga walang katapusang what ifs! Kasalanan ito ni Leo Buscaglia! Pero nice read sya ha...in fairness ulit.

Kaya kagabi nga balisa ako sapagkat naglalaro sa isipan ko ang lalaking pinakamamahal ko.

Sulatan ko kaya ng matigil na ang kabaliwang ito? Nang malaman ko mula sa kanya kung may pag-asa pa ako? Kung posible pa na magkasama pa kami? Dahil wala namang kalinawan sa pagitan naming dalawa? At nang masabi ko na rin sa wakas ang lahat na dapat na nasabi ko noon? Pagka't duwag ako at hindi makahanap ng lakas ng loob para sabihin na tangina mo! Hindi ako magkaroon ng matinong boyfriend (o hindi ako matutong magtino) dahil sayo! Pwede ba yun? Marami na akong mga sulat na sinulat para sa kanya pero di ko magawang ibigay. Ginawa ko yun sa pagaakalang malilimot ko rin at matatanggap ko rin ang lahat sa aming dalawa sa pamamagitan ng prosesong yun. Ngunit nagkamali ako sapagkat mas lalo lang akong nananabik sa kanya.

Nananabik ako sa init ng kanyang yakap, sa matatamis nyang mga halik, sa hangin sa aking tenga na nagmumula sa kanyang bibig tuwing sya ay may binubulong na mga katagang nakakapagpaalon sa aking matres at nakakapanindig sa aking balahibo at ang kanyang...ang kanyang mahaba at matigas na...braso na nagbibigay proteksyon at kasiguraduhan na walang masamang mangyayari habang ako ay nasa kanyang piling.

Mali! maling mali! Hindi ko na dapat ipinagsisiksikan pa ang aking sarili sa kanya!!! Sapagkat nalalaman ko na hindi na niya ako mahal at kailanman hindi na maaaring mahalin ulit! AAAHhhhhhhh!!! Huhuhuhuhu...

Nasaksihan nyo po ang buhay at pag-ibig ni Mariang Sinawian. Antabayanan nyo po ang mga susunod na pangyayari sa Maaaariiiiiiaaaaaa Maaaaaaagdaaaaaaaleeeeeeennnnaaaaaaaa: Kelan ka ba magigising?!


No comments: