Haay kagabi kausap ko na naman si Jake at ayun medyo napagusapan na naman namin ang tungkol sa relasyon. Si Jake kasi may gusto sa akin matagal na, since 2000 pa. Well yan ang sinasabi nya sa akin pero hindi naman dumadalaw sa bahay. Ligaw telepono lang kumbaga. Kaya wala rin siyang mahihita sa akin sa pamamagitan nun.
Ok sana siya e, tipo ko sana ng lalake - marunong magpinta (well yan ang sabi nya sa akin, mahilig daw siya magpinta ng mga bagay bagay; i hope hindi sya pintor ng mga bahay); marunong mag-gitara (may mga ilang gabi rin na inuumaga kami sa telepono at kinakantahan nya ako hehehe ang sweet, pero di na nya ginagawa yun ngayon...baka wala na siyang gitara? o wala sa mood?) mukha naman pursigido sa buhay atbp. Pero hindi ako sigurado dahil hindi ko nga nakakasama itong lalaking ito. Takot nga sa akin eh. Well sabi nya takot daw syang magpakita sa akin o ituloy ang kanyang panliligaw dahil wala pa naman daw syang sinasabi sa buhay...duh?! As if naman ako may sinasabi na sa buhay di ba?
Tapos naalala ko ang lahat ng mga lalaking natatakot sa akin. Naalala ko dito sa may amin, may isang (actually dalawa) binata rin ang gustong manligaw sa akin noon. Nagpapahiwatig na nga sya na may pagtingin siya sa akin ngunit dahil dala ng takot - alangan daw kasi ang katayuan nya sa akin - hindi nya tinuloy.
Naalala ko rin sinabi ni Jeff nung huling nagpunta siya dito sa Pilipinas na natatakot daw sya sa akin dahil wife material daw ako. Duh?! Bakit di na lang deretsahin na takot sya sa ganong klase ng committment.
Nakakatakot ba ako? Alam ko matapang ako, strong ang personality ko pero nakakatakot ba ako talga? Hindi naman ako pangit di ba para katakutan ng ibang tao. Ako ba ang may problema o sadyang itong mga hindot na mga lalaking ito ang may problema?
Haaay sus ginuu. What are their balls for anyway?
No comments:
Post a Comment