3.09.2005

Fockers!!!

Late na naman ako lumabas ng office. In fact, ako ang huling tao lumabas ng opisina namin. Bad trip kasi OTY yun. OTY na nga mabibigyan ka pa ng memo dahil lagi kang late.

Ni-lock ko ang pintuan ng opisina. Naglakad na patungong elevator. Pinindot ang elevator. Pagbukas ng elevator napansin ko na naka-tsinelas pa pala ako ng opisina. Fockers!!!!

Eto yata ang dala ng pagod at buringot sa trabaho. Pati sapatos nakakalimutang dalhin. Well, di lang isang beses nangyari ito.

Di ko tuloy matapos tapos yung isang article na inumpisahan para dito. Naging makakalimutin na rin kasi ako.

*OTY - Overtime Thank You. Olats 'To 'Yo!

No comments: