3.19.2005

Vietnam (Hanoi)!

Probably one of the reasons why I'm writing this is because gusto ko magyabang. Tangina syempre minsan lang ako makarating sa bansang ito and it felt really good! As in yeah baby! Vietnam baby! Hehehe :D wala lang masyado lang excited ang lola nyo syempre maliban sa Japan ito ang ikalawang bansa na napuntahan ko sa tanang buhay ako.

Actually feeling ko nung umalis kami ng Manila ay parang pupunta lang kami sa Davao. Paglanding namin sa Ho Chi Min City (Saigon) eh feeling ko nasa Pinas pa rin ako. Magsing init kasi tapos medjo di naman nalalayo ang itsura ng mga Vietnamese sa mga Pinoy.

Pagkagaling namin sa immigration, lipat kami ng bossing ko sa departure area ng domestic flights. Wala kasing direct flight mula Manila papuntang Hanoi. Mahigit isang oras pa ang iintayin namin ni bossing para makasakay ulit ng eroplano papuntang Hanoi.

Inutusan ako ni bossing na bumili ng mangangata, bored na siya siguro at para daw masanay ako na humawak ng dhong (eh sus ginuu naman kahit di ka nga magpapalit ng dhong dito tatanggapin nila ang dolyares dahil mas preferred nila yun). So sa madali’t sabi bumili ako ng pagkain. Tapos nalito ako sa dhong nila…putangina me 50,000 na dhong. Yung pala ang halaga nun ay 50.000 as in 50 dhong lang naman kasi kakalito ang comma at period nila sa pera.


I am beautiful no matter what they say…

Anyway, nakatsika ko yung kahera. Dinahilan ko na lang na I’m not from Vietnam kasi nga napahiya na nga ang lola nyo. Tapos tinanong nya ako kung taga Malaysia daw ako. Sabi ko No, I’m from the beautiful island of the Philippines!!! Tapos sabi nya Oh! You’re very beautiful! Tsaring! Tanghena beautiful daw o! Di ko alam kung binobola ako nun para bumili pa ng mga paninda nya o wala na siyang masabing ibang wikang Ingles para makipagtsika sa akin o sadyang di lang ako marunong tumanggap o kumilala sa isang compliment. Hehehe…well sinabi ko na rin na thank you.


Body odor

Ang isa sa mga bagay na hindi ko siguro ma-appreciate pag lumalabas ng bansa o nagbibiyahe ay ang amoy ng tao. Putangina! May nakatabi ako na mama at ang lakas ng putok! Tanginang yan! Kung hindi utot ang naaamoy ko pag bumibiyahe eh may putok naman ang katabi ko. Nga pala nakalimutan ko habang nagbibiyahe ako papuntang Saigon eh nakakaamoy ako ng utot…at di lang minsan as in mga 5 beses yata. Well malayo ang vaginal wash ko kaya wala tayong magawa kundi huwag huminga.


Himpapawid

Eto, nasa himpapawid na kami at kailangan ko lang banggitin na ang galing galing talaga ni Lord! Grabe! As in ang ganda ng mga ulap! Eh tamang tama magse-set na yung araw at makikita mo sa ilalim ng eroplano ang sea of clouds. May isang banda doon na hindi ko na alam kung dagat ba yung nakikita ko o ulap, pero syempre ulap yun dahil papunta nga kami ng Hanoi nun so malamang wala kaming dadalhin na . Basta eto yung ilan sa mga moments na sobrang na-appreciate ko yung mga likha ni God. Ang galing!


Biyahe papuntang hotel

Maganda ang daan papuntang Hanoi. Bagama’t kitang kita na dine-develop pa lang ang daan, mukhang malaki ang pagbabago nito sa loob ng sampung taon. Ika nga ni bossing mauunahan na nga ng Vietnam ang Pilipinas, at sa mga nakikita ko mukha nga. Karamihan sa mga bahay dito ay 3 stories at lahat sila may terrace. Di kaya dahil sa mga Pranses eh naimpluwensyahan din ang kanilang mga istruktura? Malamang. Balita ko rin ke bossing na magkakaroon ng parang highway o daan mula Vietnam patungong China, pag nagkataon mas dadami pa lalo ang mga investors dito sa Taiwan dahil karamihan sa mga investing companies ay policy na China +1, at malamang sa malamang ang plus 1 na ito ay ang Vietnam.

Pagpasok sa loob ng city, dumaan kami sa isang park, parang Luneta. Dami ko nakitang couples. Lover’s lane siguro hahaha pero may pagka romantic naman talaga yung lugar. Haaay kakainggit. Makikita mo mga couples nakaupo sa kanilang motor bike (na siyang main mode of transportation ng mga tao ditto) at nagyayakapan.


Café Opera

Pagdating sa hotel, pinuntahan namin ang kaibigan ni bossing na naghihintay sa lobby ng hotel. Tumuloy muna kami sa aming kuwarto para ibaba ang mga gamit. At! Napa-ngiti ako sa nakita ko. Maganda ang kuwarto, nararapat lang dahil 5-star hotel ito. Bihira naman kasi ako makapunta sa mga ganitong klaseng hotel kaya na-excite na naman ako. AT maganda ang view na nakikita ko. Bumaba na ako at lumarga na kami ni bossing at ng kanyang kaibigan sa Café Opera. Ang ganda ng Hanoi sa gabi. Nakita ko yung Ho Chi Min Mausoleum at Opera house nila (na ang ganda ha! Kahit medjo maliit lang siya).


Ang babaeng nag-torug (sa Café Opera pa rin)

Sa loob ng café, may tumutugtod doon ng torug or more popularly known as zither dan tranh or dan thap luc. Isang siyang string instrument na kung saan nagsusuot din ng parang thumb pin na may matulis na kuko na gawa sa metal ang tumutugtog nito (finger-nail plectrums on thumb, forefinger and middle finger to pluck). Maingay sa loob ng café. Nalulunod ang musiko sa mga salita at halakhakan ng mga tao dun na karamihan ay mga banyaga.

Di ko alam kung maaawa ako dun sa babae dahil parang nakikinig sa kanya maliban sa ako. Di ko kasi maintindihan ang usapan ng mga bossing ko kaya pinili ko na siya na lang ang pakinggan ko.

Nararamdaman ko na naghahanap siya ng atensyon. Pero walang makinig sa kanya. Kaya imbis na sundin ang mga piyesa na nasa harap nya ay tumugtog na lang siya para sa sarili niya. Kiber na lang sa mundong ayaw makinig sa kanya. Sa mundong lumulunod sa kanyang musika.


The next day…

Nakipagkita na kami sa kausap naming at matapos ang aming meeting ay dinala kami ng assistant ng kaibigan ng boss ko. Naghanap na kami ng mga pirated na mga CDs and VCDs. Astig nga e kasi karamihan sa mga nagtitinda ng mga ito ay sa bahay nila mismo. Meron kasi dun na parang isang area (parang squatter pero mas maayos ang mga materials na ginamit sa bahay – concrete at mas malinis) halos lahat ng mga bahay dun nagtitinda ng mga pirated CDs.

Di ako masyado nakapaggala.

Nang bandang hapon sinubukan kong puntahan ang mga tourist spots sa area ng hotel. Nagpunta ako sa Hanoi park at nagpakuha sa isang mama (using sing language of course dahil karamihan sa kanila hindi marunong mag-English) na kung saan ang background ko ay yung famous lagoon nila. By the way, ito yung sinasabi ko na lagoon na kung saan nung first night ko sa Vietnam eh dami kong nakita na mga lovers hehehe :D


Nawala na naman ako sa isang banyagang lugar…

Katulad nung trip ko sa Japan nung nakaraang dalawang taon, nawala na naman ako. Gumana na naman kasi ang sense of adventure ko kaya ayun. I was supposed to change my dolyares to dhong pero sa kakahanap ko sa isang money changer, nawala ako. Pero ok lang at least I get to look around Hanoi. Dami kong nadaanan din na mga souvenir shops, restaurants, museum, astig na mga buildings and infrastructures. I didn’t ask for directions because what is the use anyway? Most of them don’t speak English.

Pero kinalaunan, nakabalik pa rin naman ako sa hotel.


King of the road

Alam lang ng mga nakakasalamuha ko na English ata dun e motobike / Honda (motorbike) kahit Kawasaki o kung ano pang brand ng bike na yun e Honda pa rin ang tawag nila.

Astig actually. Kung sa ibang lupalop ng mundo, ang King of the road nila ay truck, kotse o jeep, dito sa Vietnam ang king of the road ay ang motor bike. Bow.


Ang sinapit ng kaawa-awang Lobster

Since last day sa Vietnam at nagpapabibo siguro ang kaibigan ng boss ko sa amin nagpunta kami ulit sa isang First Class restaurant sa Hanoi. Ang pangalan ng restaurant ay Saphon Seafood Restaurant. Uyy! Seafood! Magic word for me hehehehe :D

Ang specialty pala ng restaurant na ito ay lobster. Well halata naman sa logo ng restaurant. Tangina lobster! Naglalaway na ako talaga.

Pero eto…hindi kalaway laway ang susunod na ikukuwento ko kundi kasuka suka.

Una, namili sila ng lobster sa may bandang labas ng restaurant. Amoy na amoy ko sa kinauupuan ko ang lansa ng mga nilalang ng dagat sa kinauupuan ko. Di na ako sumama. Siyempre ala naman akong decision powers pagdating sa mga ganyan.

Matapos makapamili ay bumalik na sila sa kanilang mga upuan. Ilang minuto pa at may waiter na nagbuhos ng vodka sa 3 maliit na baso. Sa loob loob ko. Paksyet mapapalaban ako nito dahil di naman ako manginginom talaga.

Maya maya pa ulit ay dumating ang head waiter na dala ang lobster. May dala siyang parang maliit na tubo at isinaksak nya ito sa buhay na lobster. Tangina the pain!!! Nakikisimpatya ako dun sa lobster.

Pinatulo nito sa 3 baso na may vodka ang isang clear na liquid na galing sa lobster. Dugo nya ata ito eh. Matapos nun ay binigay nya sa amin ang baso. Vodka na may dugo ng lobster. Astig. Isa na namang first para sa akin.

Ininom namin ito. Putangina! Napangiwi ang mukha ko sa sobrang alat ng ininom ko. Para akong sumandok ng tubig dagat at ininom!

Siyempre nakita kong ngumiwi ang mga mukha ng bossing ko at ng kaibigan nya. Tinanong ko kaibigan nya kung pang-ilang beses na nyang ginagawa iyon. Sabi nya mahigit dalawa daw. At dinugtong pa nya na ang sama ng lasa daw. Tapos sabi ko sa kanya, then why do you drink it? Tapos nagkibit balikat na lang siya at di na sinagot ang tanong ko.


Meeeeeehhhhh…

In fairness masarap ang mga kinain namin, may traditional Vietnamese fresh spring rolls, fried spring rolls, lobster sashimi, lobster with white cream and lobster soup. Very usual sa Vietnamese cuisine ang may iba’t ibang gulay (more likely damo, dahon ng mga puno, at shrubs) na nakaserve para kaninin ito. Nagmistulang kambing ang bossing ko. Nagberde na nga ang dila sa kakakain ng mga damo este gulay na ito. Pati ako pinagtripan at pinakain ng mga gulay na ito.

So ayun na yun. That’s my three days in Vietnam. Next is Indonesia.

No comments: