10.23.2009

babang luksa

eksaktong isang taon nang mamaalam si mama.
eksaktong isang taon ko nang naiisip kung umuwi lang sana ako ng maaga, kung sana ay di na lang ako pumasok, kung sana ay dinala na namin sana sya sa ospital kahapon pa lang...

nakakalungkot, masakit isipin pa rin.

may mga bagay na nahiling na hindi naibigay tulad ng pagbibiyahe sa kung saan mang lugar nang kaming dalawa lang o ng pagbibigay ng kaligayahan na maranasan niya ang magkaroon ng apo. mga bagay na hindi ko na maibibigay.

mga yakap at halik na di ko na matatanggap. mga salita, payo, tagubilin at away na di ko na maririnig.

miss na miss ko na ang mama ko :(

sana magkita ulit tayo.

No comments: