Showing posts with label places. Show all posts
Showing posts with label places. Show all posts

11.18.2011

25th for the 8th year

Birthday log.

It's a good thing to note that this year I am not sick...physically and emotionally. Although I was alone, I'm in a good place when I celebrated my birthday.

I have planned to go to Thailand since early this year with a friend who is also going to celebrate his birthday in November (we're just a few days apart) but since he doesn't want to wade on the flood water in Bangkok, I went alone...to Chiang Mai.

Chiang Mai was one of the most awesome places to see. Well maybe it was awesome for me when I went there because it was Loi Krathong Festival (Yee Peng festival for Chinese, floating and/or flying of the lanterns as offering to the water goddess for bringing them water).

The day of my birthday was the last day of the festival. They had a grand parade which was participated by the government agencies, universities, and private companies (mostly by famous tourist places such as night safari and Chiang Mai zoo).

I think there were thousands of lanterns that flew that night. There were panda shaped lanterns and heart shaped lanterns. Of course, most of the lanterns you see there are the regular rectangular ones of different sizes. You would see people writing their wishes on their lanterns, hoping that the gods or goddesses would read them when they float it towards the sky. Some were just sort of praying with their eyes closed while holding the lit lantern.



I've floated one and I did make a wish :) It went up high in the sky. I just hope it would come true soon. If it didn't it's a fun experience anyway.



The lanterns looked like fireflies in the sky. It's just so beautiful. Some lanterns would fly up really high, some lanterns would get stuck on a tree or would get entangled in an electrical wire (which is scary because it might create fire, but it never happened).

Fireworks are everywhere. People were all having fun...it's just like New Year's eve here in the Philippines but much safer.

A great way to celebrate my birthday!

Plus, I've made new friends :D

12.09.2010

My Life in 2010 based on my FB statuses

One of the Facebook applications have came up with this cool idea of collecting (and selecting) all your statuses in the past months and create a neat collage of statuses...my life in 2010 based on my facebook statuses.

I'm posting mine here. I consider 2010 as the year of travel and adventure!

9.29.2010

Love and Bungee Jumping

I was thinking about last night that love and bungee jumping are two experiences that are very similar. They are very much alike.

Here are the similarities:
> you take great risks
> it can be a matter of life and death situation
> it can cause you great joy or extreme pain
> you leap, dive and fall, trusting that the "rope" will save you or hoping the "air bag" will catch you
> it gives you butterflies in the stomach
> it can make you nauseous or light headed
> it's addicting
> it can be really scary

I think I am ready and willing to fall again....either to bungee jump or fall in love.

10.10.2009

My Sky Diving Experience Aug 10, 2009

Ako ngayo'y lumilipad at nasa langit na. Gusto mo bang sumama?

8.13.2009

San Diego Bay Area



This is one of my favorite shots. I was lucky to get a shot of the light house. Overlooking is San Diego downtown and Coronado Bridge from Sheraton Hotel in North Harbor.

This picture was taken on August 10, 2009.

11.27.2006

Peris Wil


ang ferris wheel ay parang life...parang gulong...yun na yun...

11.26.2006

i'm back!

Yes, I'm back finally. Na-miss ko rin sobra ang Pinas ha! Di mo rin talaga ipagpapalit kahit kelan pwera lang ang magulong gobyerno/sistema at ang punyemas na polusyon. Di na ata talaga ako masasanay sa polusyon dito sa Pilipinas at isusumpa ko na nga ata forever ang mauusok na mga sasakyan.

Oh well...ilang updates and realizations lamang sa mga nangyari sa aking buhay nitong mga nagdaang mga araw...

- tumanda ako ng isang taon. paksyet. altho feeling ko 18 pa rin ako...
- may tinapos ako na libro nung isang araw na ibibigay ko kay allan (na hindi ko pa nakikita ulit...oo na sorry na dapat nung isang araw tayo nagkita!!!!)...na nagco-confirm lang sa mga paniniwala ko regarding positive thinking...ito'y nakakagaling at nakakahawa at nakaka-attract ng magandang swerte sa buhay...
- well so far di pa naman ako minalas ulit...kumakain pa naman ng 3 o higit pang beses sa isang araw....
- yun nga lang wala pa rin atang swerte sa love life...di pa rin alam ng boyfriend ko na boyfriend ko sya...
- will start to work at my previous company again on dec. 4...
- di pa rin naniniwala ang mama ko na may cancer sya...eh naman kasi sabi dun sa mga reports nya nasa stage 4 sya pero yung mga simptomas eh di naman nya nararanasan...sabi nga ng pinsan kong doctor...its a GOK case meaning God only knows...
- hmmm maybe it's already a miracle working for her...i believe so...di pa yayao yun...ala pa siyang apo e...makikita pa niyang gumaradweyt ang apo nya sa college :D
- yes mas malakas ang fighting spirit ko ngayon...o deva? di ko nga alam kung saan ko nakukuha ang lakas na chuva na yan
- mas malaki ang pressure at responsibility sa pamilya...ok lang...it is a natural process that the children will in turn make a living for the family, if the head(s) of the family is/are not capable anymore to support the family...reminds me of what adam from the movie blast from the past said to eve about his responsibilities to his parents
- nga pala hahahaha i tried this dating site...kasi may free personality profile hehehe its called eharmony.com...i figured if i want to have a bf i should do something about it right? besides alam ko naman na yung crush ko ngayon e walang gusto sa akin dahil kung meron eh di in-ask na niya akong makipag-date sa kanya matagal na di ba? so hanap sa iba...
- speaking of crush...grabe nagising ako nung isang madaling araw at nagkaroon ako ng urge na sabihin sa kanya...buti na lang medjo mataas taas ng kaunti ang EQ level ko ngayon so di ako nag-act sa aking impulses...
- although it would be fun to reveal to him my feelings...hehehe doing something scary sometimes makes you feel very alive...exciting! gusto ko magbunjee jumping, swim with the sharks, sky diving/gliding....
- marami akong projects na nakikita na gagawin ko sa bahay at sa shop...pero hinay-hinay na muna...
- sarap magpamasahe....dami ko daw lamig sa katawan...
- nami-miss ko nang mag-videoke!!! o shit where's my list?

10.11.2006

Mexico

Nagpunta kami ng El Centro last night para bisitahin namin ang pinsan ko dun at para pumunta kami ng Mexico kinabukasan. On the way to El Centro...ang gara ng mga nakikita ko! Actually medyo madilim nun talaga siguro sa araw di maganda pero sa gabi WOW! Dahil maliwanag ang buwan at maraming stars tapos puro bundok. Ang romantic actually...sana may jortner ever ako nun. Haay...

Nung andun na kami sa Mexico. Kumain kami sa Laguna Azul (Blue Lagoon) its a seafood restaurant. Haven for shrimps. All I can say is the food is great but the place...parang nasa Pinas lang din...mas maganda pa sa Pinas dahil mukhang tuyot ang lugar. I mean para bang hindi mabubuhay ang halaman mo dun saka maalikabok.

Eto pa ang nakakatuwa kasi akala ko dati ang mga avocados ay for deserts lang pero dito ginagamit siya na parang gulay...halos kasama sa lahat ng mga pagkain. Nag-order kami ng shrimp cocktail - sabetse (yata ang tawag) and rice with shrimps ulit na iba't iba ang luto ng shrimps. Grabe! Heaven na itech!

Ayun lang...bondat na naman. Haaay!

New Fave Drink: Smirnoff's Twisted V (AlcoPop) Wild Cherry...sarap tunggain di nga lang masyadong nakakalasing.

10.08.2006

Updates

Nearly resigned from my job last week. Grabe naman kasi na-overwhelm ako dun sa bagong resident na dumating. She's in the third stage of dementia na kasi tapos late na ang intervention kaya medjo uncooperative na siya and very aggressive. Ne! araw-araw nag-aaway kami nyan (o deva patulan ko daw ang may dementia...di bale makakalimutan naman nya na nag-away kami).

Oh well...kaya naman kasi akong muntikan nang magresign dahil for 3 days wala akong halos na tulog...na-aning na rin ako...mental and physical stress...buti na lang takot sila...so wala na akong night duties yahuuu!

Meron sana akong new job sa LA kaya lang considering the expenses eh mas malaki pa rin ang kikitain ko dito sa SD. Keri na yan.

Nagpunta kami ng Universal Studios and Sea World!!! Ala lang...here are some pictures...di ko pa na-upload ang Sea World kaya yan na lang muna.

Astig!



At the city walk going to universal studios...big guitar display by hard rock...






kala ko pa man din makikita ko na nagsho-shoot ang fave tv show ko...CSI...at least i got a glimpse of their studio...keri na yun...

7.23.2006

US First week

Haaay dyesketch oo andito na nga ako sa San Diego at wala ako masyado ginagawa sa ngayon kundi ang kumain at matulog!!!! Sus ginuu! We went to the gym kanina to shed some fats dahil alam ko nag-gain talaga ako ng weight. Pagkagamit ko ng weighing scale nila nalaman ko na nag-gain ako ng 5 lbs!!!! Waaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhh!!!! I need to go to the gym talaga!

Anyway, here are some pictures nung nagpunta kami sa US-Mexico border. Dyahe ha...andun pa kami sa may gate nagkukuhaan ng tito ko ng pictures. Mega smile naman ang lola nyo.


Nanood din kami ng mga tito ko at mama ko ng baseball game. San Diego Padres vs the Atlanta Beavers Braves. Nabubuwisit ako sa game nila ha sapagkat tatanga tanga at lalamya-lamya ang mga Padres sa paglalaro. Biruin mo ba naman na may moment dun na nagpasa ng bola ang pitcher sa shortstopper nya at tumama sa noo!!! AAAhhhhhh ang estupido!!! Haay the game ended 11-3 panalo ang Braves. Oh well next time na lamang.

Daming tao! Pero di pa puno ang stadium!

Welcome! Welcome!!!

7.05.2006

Ilo-ilo

Barko

Sumakay kami ni papa ng barko papuntang Ilo-ilo, thinking that this would be fun. Just like my childhood days when we would go every summer. Nyeta, it was a bad idea to take tatami instead of the cabin or the budget fare. Parang daycare center yung part ng barko na yun. Soooobrang daming bata ages from 0-5 years old ang nandun! Kainis! Until I discovered the rear side of the ship.

After we settled down, we went to the canteen ang then dun sa dulo ng barko. Mas tahimik dun, mas mahangin, at mas peaceful. Walang mga batang sabay-sabay na nag-iiyakan. Kitang-kita mo pa ang mga bundok ng cavite, batangas at quezon. Nagkaroon kami ng papa ko ng time na makapag-usap tungkol sa aking pag-alis.

Nang kinagabihan, hindi ako masyado makatulog. Pumanhik ako sa tuktok ng barko. At doon nag-star gazing at magmuni-muni. Sarap. Mahangin pero hindi masyado malamig ang hangin. Kakaunti ang taong nasa paligid na nagmumuni-muni rin.

Medjo naaamoy ko ang usok mula sa chimney ng barko. Pero ayos lang di naman ganun kasama. Nakikita ko pa minsan na may lumalabas na siga mula sa barko, parang upos ng sigarilyo sa kadiliman. Naglalaro sa hangin at sa ibabaw ng barko. Sumasayaw. Ang ganda. Sana laging ganun.

Kala ko sa San Dionisio kami pupunta. Dun sa bahay ng lola ko sa bundok na malapit sa beach. Yun pala sa city pero ok lang, maganda rin naman yung bahay at tabing dagat din. Very peaceful except for the punyetang mga aso ng kapitbahay at mga nakapaligid na mga borders na papampam.


Talaba at Kugon

I could not believe the price of talaba dito sa Ilo-ilo. 30 pesos lang ang isang parang basket nila, na kung sa Manila ang cost nun ay around 200 pesos!!!!

Sarap actually...parang three buckets of talaba yun! Ako ang may pinakamarami na nakain. Ganyan ko ka-love ang mga sea foods! Mas masarap sana kung kasama nun ay beer. As in! Pero syempre kasama ko ang tita ko at ang menor de edad ko na pinsan hindi pwede. Nag-shandy na lang kami. AT oo nga pala nakalimutan ko na hindi nga pala ako umiinon ng beer

Ganda ng ambience. Parang boracay ang dating. Yun nga lang instead na nakaharap sa beach ang mga restaurants nakatalikod sila sa beach.

Tatoy's Manukan at Seafoods Restaurant

If ever you will visit Ilo-ilo, don't miss Tatoy's, sarap! Lalo na ang manok nila. Native chix kasi at sarap ng marinade na ginamit.

Balita ko din na dito nagpupunta daw si GMA for dinner or lunch pag nandito siya sa Ilo-ilo.

Grabe sarap ng mga pagkain dito talaga. Wag nyo na akong pansinin if you see me gained a few pounds. Can't help it eh.

6.26.2006

Somewhere over the rainbow what a wonderful world

Went to Antipolo last Saturday for my uncle's birthday party. Si Papa nag-drive. Don't feel like driving that day. Too moody to drive. Besides I'm sure aagawin naman niya ang manibela sa akin so siya na lang. Nasa backseat ako ng sasakyan with my tita. Sa likod kami dumaan, via Taytay. Mas maganda ang makikita ko dun at mas sariwa ang hangin kumpara sa highway. Nakatingin ako sa labas nagmumuni-muni. Parang uulan.

Nang mapatingin ako sa tuktok ng bundok, nanlaki ang mga mata ko. May rainbow!!! Perfect arc, matingkad ang kulay. Parang may kinabaksakan talaga ang dulo nun. Pot of gold!!! Parang sarap puntahan. Kung may camera lang sana ako ng time na yun haaay...

Habang nagmamaneho si Papa parang papalapit kami dun sa dulo ng rainbow. Tinititigan ko siya...nang biglang may mapansin ako na isa pang arc! Medyo faint nga lang kulay niya. Nasa ibabaw ito ng matingkad na rainbow, perfect din ang arc!

Naks naman! First time ko makakita ng rainbow na perfect ang arc...at dalawa pa! Kakaiba! Para akong bata! Sooobrang excited! Muntik ko na ngang i-text lahat ng mga kakilala ko para lang ibahagi kung ano ang nakita ko. Pero kababawan di ba?!

Sa kabila nun, para bang sinasabi sayo ng Diyos na wag kang mag-alala may pag-asa pa. :)

3.08.2006

Update

Uber busy the past few weeks! Rundown lang ng mga events na nangyari sa akin this past few weeks para makapag-update lang (di nga lang chronological itech):
  • nahihilo na ako sa punyemas na salamin ko na ito, may vertigo na ata ako e...well it's either dahil sa mata ko ito or malakas ang aking 6th sense at nafe-feel ko ang mga portals dito sa manila at sa ibang lugar na open. (pag open kasi ang mga portals sa ibang dimension ay medyo wala sa straight plane ang lugar na kinatatayuan ko...either nakatagilid ang isang lugar, naka-pababa kahit straight naman talaga sya o naka-pataas...depende sa aking position) para akong may motion sickness ngayon tuloy.
  • tapos na ang symposium namin for the College of Computer Studies ng DLSU na uber mega busy rin ako ng panahong yun, tapos na ang financial statement ko for the first year of the project although they have to be verified with the accounting office, at dahil sa tapos na rin ang contract ko sa kanila, hindi ko na kelangang gawin yun
  • Full time practicumer na ako ngayon dito sa UP Manila
  • No love life pa rin, ni manliligaw nga wala, not even dating. Bugaw nyo na nga ako!
  • Was out of the country for 3 days with cousins. Mega saya, mega kapagod, mega sakit ng paa ko hanggang ngayon dahil sa kalalakad
  • At dahil nga andito ang aking ever dearest cousin, madalas wala ako sa bahay, nasa ibang lugar lagi.
  • Katatapos lang ng fiesta sa amin nung isang linggo, had breakfast with Cong. Jaworski, sayang wala si Mikee. Feeling sikat kami dahil pagdating ng hapon ex-Mayor Raymundo naman ang nakipag-merienda sa amin. Takot ang lola dahil baka magkaroon daw ng "shooting". She was also expecting Bobbie Eushabu...err..Eusebio to come to her house to pot...err dine with us. Politicizing! Oh joy! That's why after my SK term, wala na akong interest sa pulitika, unless for mayor ang itatakbo ko! Bwahahaha! Daming pera dun! Not!
  • Expect Binay and Eusebio to be summoned by the senate in the coming days. Sana mapatalsik ang mga punyemas na salot ng lipunan na mga yan.
  • Enough of the politics. Nahihirapan akong mag-decide kung ituloy ko na ang application ko dito sa UP or intayin ko ang Xavier or kung ituloy ko pa rin ang work ko sa DLSU. Waaah! Pero ika nga ni Francis, at least I have a good problem :)
  • I'm leaning towards UP kahit medjo mababa ang sweldo. UP kasi to man!
  • Gusto ko pumunta ng Ilo-ilo, me promo kasi ang Cebu Pacific for their 10th anniversary na 10 pesos lang ang airfare, not incl. of the taxes of course...kaya lang yung period ng pag-travel eh thesis term ko.
  • Which reminds me, wala pa ata akong thesis topic! Unless i-push through ko ang obesity topic proposal ko, which I'm not really comfortable doing, naghahanap pa ako ng mas ok pang topic dito.

Ayan Niel, nag-update na ako ha! And the orgy thing...hmmm...hahahahaha! :D

3.19.2005

Vietnam (Hanoi)!

Probably one of the reasons why I'm writing this is because gusto ko magyabang. Tangina syempre minsan lang ako makarating sa bansang ito and it felt really good! As in yeah baby! Vietnam baby! Hehehe :D wala lang masyado lang excited ang lola nyo syempre maliban sa Japan ito ang ikalawang bansa na napuntahan ko sa tanang buhay ako.

Actually feeling ko nung umalis kami ng Manila ay parang pupunta lang kami sa Davao. Paglanding namin sa Ho Chi Min City (Saigon) eh feeling ko nasa Pinas pa rin ako. Magsing init kasi tapos medjo di naman nalalayo ang itsura ng mga Vietnamese sa mga Pinoy.

Pagkagaling namin sa immigration, lipat kami ng bossing ko sa departure area ng domestic flights. Wala kasing direct flight mula Manila papuntang Hanoi. Mahigit isang oras pa ang iintayin namin ni bossing para makasakay ulit ng eroplano papuntang Hanoi.

Inutusan ako ni bossing na bumili ng mangangata, bored na siya siguro at para daw masanay ako na humawak ng dhong (eh sus ginuu naman kahit di ka nga magpapalit ng dhong dito tatanggapin nila ang dolyares dahil mas preferred nila yun). So sa madali’t sabi bumili ako ng pagkain. Tapos nalito ako sa dhong nila…putangina me 50,000 na dhong. Yung pala ang halaga nun ay 50.000 as in 50 dhong lang naman kasi kakalito ang comma at period nila sa pera.


I am beautiful no matter what they say…

Anyway, nakatsika ko yung kahera. Dinahilan ko na lang na I’m not from Vietnam kasi nga napahiya na nga ang lola nyo. Tapos tinanong nya ako kung taga Malaysia daw ako. Sabi ko No, I’m from the beautiful island of the Philippines!!! Tapos sabi nya Oh! You’re very beautiful! Tsaring! Tanghena beautiful daw o! Di ko alam kung binobola ako nun para bumili pa ng mga paninda nya o wala na siyang masabing ibang wikang Ingles para makipagtsika sa akin o sadyang di lang ako marunong tumanggap o kumilala sa isang compliment. Hehehe…well sinabi ko na rin na thank you.


Body odor

Ang isa sa mga bagay na hindi ko siguro ma-appreciate pag lumalabas ng bansa o nagbibiyahe ay ang amoy ng tao. Putangina! May nakatabi ako na mama at ang lakas ng putok! Tanginang yan! Kung hindi utot ang naaamoy ko pag bumibiyahe eh may putok naman ang katabi ko. Nga pala nakalimutan ko habang nagbibiyahe ako papuntang Saigon eh nakakaamoy ako ng utot…at di lang minsan as in mga 5 beses yata. Well malayo ang vaginal wash ko kaya wala tayong magawa kundi huwag huminga.


Himpapawid

Eto, nasa himpapawid na kami at kailangan ko lang banggitin na ang galing galing talaga ni Lord! Grabe! As in ang ganda ng mga ulap! Eh tamang tama magse-set na yung araw at makikita mo sa ilalim ng eroplano ang sea of clouds. May isang banda doon na hindi ko na alam kung dagat ba yung nakikita ko o ulap, pero syempre ulap yun dahil papunta nga kami ng Hanoi nun so malamang wala kaming dadalhin na . Basta eto yung ilan sa mga moments na sobrang na-appreciate ko yung mga likha ni God. Ang galing!


Biyahe papuntang hotel

Maganda ang daan papuntang Hanoi. Bagama’t kitang kita na dine-develop pa lang ang daan, mukhang malaki ang pagbabago nito sa loob ng sampung taon. Ika nga ni bossing mauunahan na nga ng Vietnam ang Pilipinas, at sa mga nakikita ko mukha nga. Karamihan sa mga bahay dito ay 3 stories at lahat sila may terrace. Di kaya dahil sa mga Pranses eh naimpluwensyahan din ang kanilang mga istruktura? Malamang. Balita ko rin ke bossing na magkakaroon ng parang highway o daan mula Vietnam patungong China, pag nagkataon mas dadami pa lalo ang mga investors dito sa Taiwan dahil karamihan sa mga investing companies ay policy na China +1, at malamang sa malamang ang plus 1 na ito ay ang Vietnam.

Pagpasok sa loob ng city, dumaan kami sa isang park, parang Luneta. Dami ko nakitang couples. Lover’s lane siguro hahaha pero may pagka romantic naman talaga yung lugar. Haaay kakainggit. Makikita mo mga couples nakaupo sa kanilang motor bike (na siyang main mode of transportation ng mga tao ditto) at nagyayakapan.


Café Opera

Pagdating sa hotel, pinuntahan namin ang kaibigan ni bossing na naghihintay sa lobby ng hotel. Tumuloy muna kami sa aming kuwarto para ibaba ang mga gamit. At! Napa-ngiti ako sa nakita ko. Maganda ang kuwarto, nararapat lang dahil 5-star hotel ito. Bihira naman kasi ako makapunta sa mga ganitong klaseng hotel kaya na-excite na naman ako. AT maganda ang view na nakikita ko. Bumaba na ako at lumarga na kami ni bossing at ng kanyang kaibigan sa Café Opera. Ang ganda ng Hanoi sa gabi. Nakita ko yung Ho Chi Min Mausoleum at Opera house nila (na ang ganda ha! Kahit medjo maliit lang siya).


Ang babaeng nag-torug (sa Café Opera pa rin)

Sa loob ng café, may tumutugtod doon ng torug or more popularly known as zither dan tranh or dan thap luc. Isang siyang string instrument na kung saan nagsusuot din ng parang thumb pin na may matulis na kuko na gawa sa metal ang tumutugtog nito (finger-nail plectrums on thumb, forefinger and middle finger to pluck). Maingay sa loob ng café. Nalulunod ang musiko sa mga salita at halakhakan ng mga tao dun na karamihan ay mga banyaga.

Di ko alam kung maaawa ako dun sa babae dahil parang nakikinig sa kanya maliban sa ako. Di ko kasi maintindihan ang usapan ng mga bossing ko kaya pinili ko na siya na lang ang pakinggan ko.

Nararamdaman ko na naghahanap siya ng atensyon. Pero walang makinig sa kanya. Kaya imbis na sundin ang mga piyesa na nasa harap nya ay tumugtog na lang siya para sa sarili niya. Kiber na lang sa mundong ayaw makinig sa kanya. Sa mundong lumulunod sa kanyang musika.


The next day…

Nakipagkita na kami sa kausap naming at matapos ang aming meeting ay dinala kami ng assistant ng kaibigan ng boss ko. Naghanap na kami ng mga pirated na mga CDs and VCDs. Astig nga e kasi karamihan sa mga nagtitinda ng mga ito ay sa bahay nila mismo. Meron kasi dun na parang isang area (parang squatter pero mas maayos ang mga materials na ginamit sa bahay – concrete at mas malinis) halos lahat ng mga bahay dun nagtitinda ng mga pirated CDs.

Di ako masyado nakapaggala.

Nang bandang hapon sinubukan kong puntahan ang mga tourist spots sa area ng hotel. Nagpunta ako sa Hanoi park at nagpakuha sa isang mama (using sing language of course dahil karamihan sa kanila hindi marunong mag-English) na kung saan ang background ko ay yung famous lagoon nila. By the way, ito yung sinasabi ko na lagoon na kung saan nung first night ko sa Vietnam eh dami kong nakita na mga lovers hehehe :D


Nawala na naman ako sa isang banyagang lugar…

Katulad nung trip ko sa Japan nung nakaraang dalawang taon, nawala na naman ako. Gumana na naman kasi ang sense of adventure ko kaya ayun. I was supposed to change my dolyares to dhong pero sa kakahanap ko sa isang money changer, nawala ako. Pero ok lang at least I get to look around Hanoi. Dami kong nadaanan din na mga souvenir shops, restaurants, museum, astig na mga buildings and infrastructures. I didn’t ask for directions because what is the use anyway? Most of them don’t speak English.

Pero kinalaunan, nakabalik pa rin naman ako sa hotel.


King of the road

Alam lang ng mga nakakasalamuha ko na English ata dun e motobike / Honda (motorbike) kahit Kawasaki o kung ano pang brand ng bike na yun e Honda pa rin ang tawag nila.

Astig actually. Kung sa ibang lupalop ng mundo, ang King of the road nila ay truck, kotse o jeep, dito sa Vietnam ang king of the road ay ang motor bike. Bow.


Ang sinapit ng kaawa-awang Lobster

Since last day sa Vietnam at nagpapabibo siguro ang kaibigan ng boss ko sa amin nagpunta kami ulit sa isang First Class restaurant sa Hanoi. Ang pangalan ng restaurant ay Saphon Seafood Restaurant. Uyy! Seafood! Magic word for me hehehehe :D

Ang specialty pala ng restaurant na ito ay lobster. Well halata naman sa logo ng restaurant. Tangina lobster! Naglalaway na ako talaga.

Pero eto…hindi kalaway laway ang susunod na ikukuwento ko kundi kasuka suka.

Una, namili sila ng lobster sa may bandang labas ng restaurant. Amoy na amoy ko sa kinauupuan ko ang lansa ng mga nilalang ng dagat sa kinauupuan ko. Di na ako sumama. Siyempre ala naman akong decision powers pagdating sa mga ganyan.

Matapos makapamili ay bumalik na sila sa kanilang mga upuan. Ilang minuto pa at may waiter na nagbuhos ng vodka sa 3 maliit na baso. Sa loob loob ko. Paksyet mapapalaban ako nito dahil di naman ako manginginom talaga.

Maya maya pa ulit ay dumating ang head waiter na dala ang lobster. May dala siyang parang maliit na tubo at isinaksak nya ito sa buhay na lobster. Tangina the pain!!! Nakikisimpatya ako dun sa lobster.

Pinatulo nito sa 3 baso na may vodka ang isang clear na liquid na galing sa lobster. Dugo nya ata ito eh. Matapos nun ay binigay nya sa amin ang baso. Vodka na may dugo ng lobster. Astig. Isa na namang first para sa akin.

Ininom namin ito. Putangina! Napangiwi ang mukha ko sa sobrang alat ng ininom ko. Para akong sumandok ng tubig dagat at ininom!

Siyempre nakita kong ngumiwi ang mga mukha ng bossing ko at ng kaibigan nya. Tinanong ko kaibigan nya kung pang-ilang beses na nyang ginagawa iyon. Sabi nya mahigit dalawa daw. At dinugtong pa nya na ang sama ng lasa daw. Tapos sabi ko sa kanya, then why do you drink it? Tapos nagkibit balikat na lang siya at di na sinagot ang tanong ko.


Meeeeeehhhhh…

In fairness masarap ang mga kinain namin, may traditional Vietnamese fresh spring rolls, fried spring rolls, lobster sashimi, lobster with white cream and lobster soup. Very usual sa Vietnamese cuisine ang may iba’t ibang gulay (more likely damo, dahon ng mga puno, at shrubs) na nakaserve para kaninin ito. Nagmistulang kambing ang bossing ko. Nagberde na nga ang dila sa kakakain ng mga damo este gulay na ito. Pati ako pinagtripan at pinakain ng mga gulay na ito.

So ayun na yun. That’s my three days in Vietnam. Next is Indonesia.

8.08.2004

My PUV experience

Ok, this is probably gonna be the first of the series of my fx and jeep experiences...wow, as in grabe...talk about the life of a commuter.

Eto na ata ang worst FX experience ko at sus ginuu marami na akong naranasan at ito na siguro ang pinaka kasuka-sukang karanasan ko sa tanang buhay ng pagkokomyut ko. Ididiin ko ulit, kasukasuka siya talaga!

So galing ang lola nyo sa Pampanga kasi may cliente kami dun. And as usual nagpababa ako sa may Starmall kasi may pila dun ng fx na umaabot hanggang city hall ng Pasig. So nagintay ang beauty ng lola nyo for almost an hour kasi syempre rush hour at madalang ang dating ng fx...as in madalang.

Anyway, dumating na ang fx at naupo na ang lola nyo sa likod nito dahil ang dami ko ring dala. Andun ako sa bandang dulo nakaupo. Opposite ko yung matabang ale na may marami ring dala. Kakaawa nga yung mamang katabi nya kasi kakaunti na lang talga yung space para sa kanya. Kumbaga kung bumukas bigla ang pinto ng fx eh hulog sya panigurado. Tapos isa ring ale ang katabi ko, hindi mataba.

Eh di lumarga na nga ang fx, ok na sana...normal ang traffic...tapos maya maya biglang...

Putangina!!! Ang baho!!! anak ng teteng!!! buti na lang kumain ako kundi masuka suka na talaga ako!!!

Ok! OA na ako, feeling ko nga ako lang ang nakaamoy kasi walang reaksyon yung iba kong mga kasamahan. Ok sige, pagbigyan...isang beses pa lang naman.

Maya-maya...putangina talaga!!!! tanghena hindi ko na talaga matiis ang kabahuan. Hinalughug ko ang laman ng bag ko...naghahanap ako ng bagay na makakapagbigay lunas kahit papaano sa kabahuan bumabalot sa loob ng fx na yaon.

Nasan ang perfume ko?!!!!

Ok fine! Wala ang pefume ko kasi nasa kailaliman ng bag ko! Anak ng putsa naman talaga oo! Tapos sa kakahalungkat ko...eto ang solusyon!!!

Sininghot ko ng sininghot ang amoy ng vaginal wash ko...haaay what a relief!!! Buong ulo ko nakasuksok sa loob ng backpack ko. Siyempre dyahe naman kung ilalabas ko yung vaginal wash ko no?! Me kahihiyan pa naman akong natitira.

So imagine nyo ang lola nyo, buong byahe ko ay nakasubsob sa backpack dahil sa nakakasulasok na amoy. Buti sana kung utot ko yun, mapagtiya tiyagaan ko pa.