8.24.2005

Counseling session

Wuhoooo!!! Halos lahat ng mga requirements ko sa school tapos na! :D well may natira pang research paper and exam pero sisiw na lang yun. First time ko sa tanang pagma-masteral ko na wala akong iniwan na requirement sa mga subjects na in-enrol ko. Astig na rin ang walang work.

Anyway, ganda ng mga comments na nakuha ko yesterday mula sa mga nag-critique ng aking counseling session. Tinatanong nila ako kung paano ko daw nagagawang maging sobrang relaxed sa isang counseling session kahit na seryoso ang topic. Syempre di ko alam ang sagot. Some things come naturally. Saka sino ba namang hindi mare-relax eh si Ochie ang aking kausap. Kumakain pa nga sya habang nagka-counseling session.

Sinong hindi marerelax dito?Ang cute talaga ni Ochie! hehehe :D

Akala pa ng mga classmates ko eh matagal na akong practicing counselor. Sabi ko nga sa kanila na ang experience ko lang sa counseling ay kapag kausap ko ang mother ko at mga friends ko. O di ba astig? Ala lang natutuwa lang talaga ako. :D

No comments: