11.22.2005

Malas

When bad luck rains it pours. Not that I'm complaining. It's just that these past few days I've been very clumsy and unlucky, was it my fault? Of course!

The other day while trying to get home from work, yung jeep na sinasakyan ko tigil ng tigil kasi laging natatanggal at namamatay yung headlights niya at parang may sira pa sa makina. Pag nakatigil sya syempre yung buga ng usok mula sa mga bus at truck nalalanghap ko. I wouldn't be surprised if I would have acute respiratory problems because of this. I got home at past 11pm. I think I left the school before 9pm.

Nung isang araw ganun din, tumitirik naman yung jeep na sinasakyan ko (ibang jeep na ito ha) at feeling mo kakalas na yung mga parts any time.

Lesson: Mag-mrt ka na lang faster sya yun nga lang makaka-5 na palit ako ng sasakyan or magdala ng sasakyan or umuwi ng maaga para maabutan ang fx sa may Escoda.

Another incident was my pay check. Until now I haven't received my salary for the first part of November and I only have less than 200 pesos in my pocket that should last to Wednesday. I prepared it on November 15 and it was only after a week that the signatories were able to sign my payment requisition slip (PRS). Note: I only need two people to sign my PRS and it took them a week!

After I got the signatures, I went straight to the accounting office trying to beat the 5 o'clock deadline.

I was walking really fast, trying to take over the students who are frolicking under the walking shed of a beautiful afternoon when I suddenly slipped. Thank God for my fast reflexes I was able to manage myself before my bum hits the floor.

I was actually expecting the students behind me to burst in laughter because I would. But they didn't however after a minute or so, after walking 10 or more feet away from them I heard them laugh. Not sure though if they were laughing at me or at someone or something else.

Lesson: Magrubber shoes sa susunod or gawin ang PRS two weeks before sweldo day.

Ngayon ang climax ng aking kamalasan.

9:00 tamang tama before 10:00am nasa school na ako. Di ko alam na sasabay pala sa akin ang mama ko at bro ko. (Sasabay meaning ihahatid ko sila) Hinatid ko kapatid ko sa school niya sa Ortigas at binaba ko ang mama ko sa MRT Ortigas Station. Note: Sa Taft Ave po ang aking school.

I was planning to go back to Pasig and take the C-5 Kalayaan route. But no, sabi ng mama ko it would be best daw to take Edsa since andun na nga naman daw ako at hindi naman daw traffic ng time na yun. Hokey masunuring bata (well paminsan minsan naman sumusunod ako sa payo ng aking mga magulang :D) Ok Edsa na...anak ng puta traffic.

Nakarating ako sa school past 11am na.

Lesson: Wag makinig sa mga back seat drivers.

Nakapaglunch na ako ng past 3pm. Naaliw kasi ako sa pag-accounting ng expenses ng project. Oh joy! This is better than encoding!

Kumain ako sa Chowking...nage-enjoy na ako sa beef mami at tofu na inorder ko. Lalo na ang tofu kasi crispy ang labas tapos ang lambot sa loob. Hindi old stock, lasang bagong gawa.

Ok enjoy, enjoy...muni muni...day dreaming etsos nang biglang dumulas yung bowl ng mami dun sa pinggan na pinagpapatungan nya at bumuhos sa akin ang sabaw.

Tumulo sa blouse ko at sa pants ko. Nagmukha akong mentally challenged na naihi sa kanyang pants. I went straight to the girls comfort room to find out that their hand dryer is busted! Actually I saw it na sira na nga pero I still attempted to plug in the dryer kahit na may mga burnt marks around the socket.

(I feel like I'm from Assumption)

Poof! Pumutok yung socket!!! Buti na lang mag-isa ako sa loob ng CR at walang nakawitness sa aking katangahan. Naputol pa nga yung saksakan dun sa cable nung dryer at pinalo ko lang ng sapatos ko para matagal yung plug dun sa socket.

Pagkatapos nun, I called the waiter and asked them if they have any more hand dryer in their store because the hand dryer in the girl's CR is busted. He said, sa guy's CR daw meron. O ciempre this is difficult times mag-aalangan pa ba ako? So I went inside the boy's CR at dun ako nagpatuyo ng damit. Syempre walang lalaki dun, wish ko lang. :)

Pero syempre dahil sa malagkit nga ang feeling bumili ako ng pang-itaas. At least cute yung blouse nabili ko. Yung mga taong nakakita sa akin na ganun ang itsura ko tinatanong ako kung ano nangyari sa akin. Note: Hindi ko sila kilala at hindi rin nila ako kilala.

Sabi naman nung pinagbilhan ko ng blouse meron daw taong matinding nakaalala sa akin kaya daw nangyari sa akin yun. Maging mapamahiin ba daw tayo? Naki-ride na lang ako sa babae at sinabing ang tindi naman makaalala yung taong yun.

Lesson: Wag nang kumain ng masasabaw na mga pagkain pag nasa labas ng bahay, wag nang magpumilit kung di talaga pwede baka makuryente ka sa susunod, tama na ang day dreaming kaya natatapon ang sabaw e! Siguraduhin na may gwapong lalake sa loob ng CR na panlalaki bago magpatuyo doon ng damit :)

No comments: