5.03.2006

friendster profiles

paluin ang kamay,
ikandado at itago ang susi...
piringan ang mga mata...
isang malaking pagkakasala...
ang tingnan kang muli...

saksakin ang dibdib...
pigilin ang pagtibok ng puso...
saksakin ang utak...
pigilin ang pag-agos ng mga alaala...

kahit anong gawing pagtatago...
kahit anong gawing pagbabaon sa limot...
minsan di mapigilan ang lumingon sa nakaraan...

No comments: