5.17.2006

Naisip ko lang

Nang magising ako kanina sa aking pagkaka-idlip ito ang unang dumapo sa aking isipan...(nope, wala akong multiple personality disorder or identity disorder...naaaliw lang ako na minsan kinokontra ko ang mga bagay bagay na naiisip ko)

Mia 1: Bakit nakapikit ang ating mga mata kapag may hinahalikan tayo? (ito yung inquisitive side)
Mia 2: Kasi rude daw na habang may kahalikan ka ay nakabukas ang iyong mga mata at saka mas mafe-feel mo yung moment kapag nakapikit ka. Mas romantic! (this is the sentimental side of me)
Mia 3: Bullshit! Kaya ka nakapikit kasi nakakaduling kung pipilitin mong tingnan mo ang kahalikan mo. Yun lang yun. (and this is the astig side of me)

Di kaya epekto ito ng kapapanood ng Bituing Walang Ningning at Sa Piling Mo?


***

Nung nakaraang buwan ko pa actually napapansin na nauuso sa mga artista ngayon ang mag-mukhang gago sa pamamagitan ng pagtataas ng kanilang kuwelyo.

What's up with that?

Pati yung pag-tuck in nung isang side nung polo, samantalang nakalawit yung sa kabila.

Di ko talaga ma-gets ang fashion sense ng mga artistang yan. Oh well...kiber!

***

Dios mio por santo! Tama na ang balita sa mga mountaineers na yan! Kada mabubuksan ko ang TV lagi na lang yan ang nasa programa. Nakakasawa na talaga pramis! Pati yung pagi-interview sa mga kamag-anak. Wala na ba kayong ibang magandang balita na pwedeng ihatid ulit???

Ok fine congrats sa mga nakaakyat at sa mga aakyat pa dun sa summit pero kelangan ko ng juicy news!

Ala ba dyang bagong nasagasaan, bagong nanakawan, bagong napatay, bagong appeal ulit sa pag-disqualify kay GMA?

Whatever happened to the ULTRA Wowowee case? Whatever happened to the Pasig City drug scandal? Whatever happened to the G&C case ni Estrada? Whatever happened to the People's Initiative signature signing campaign for cha-cha, con-con? Ilang pounds ang anak ni Lea Salonga? Nakalaya na ba si Ate Guy?


***

Mas nagugustuhan ko ngayon ang paraan ng pamamalita ng GMA7's 24 oras kaysa sa TV Patrol World ng ABS-CBN. Masyado kasi one-sided magbalita ang ABS, kung local TV lang naman ang mapagpipilian.

Although pag-soap opera na ang pag-uusapan ayyyyyy!!! ibang usapan na yan.

No comments: