6.05.2006

karir

Sobrang nami-miss ko na mama ko...birthday niya kasi bukas. It's great that she's going to celebrate her birthday sa bahay ng tita ko sa tate. Sabi nga nya medjo dramatic ang effect daw kasi may mga sulo pa daw na sisindihan dun sa garden...sana andun din kami :( next year hopefully....kung maka-graduate ako.

soooooobrang tamad akong magreview for my compre exams...may group interview last saturday but i completely forgot about it...started reviewing my stats....putsa pare after one chapter ayoko na!

been sulking in my room every afternoon for the past 3 days now, nag-gigitara...tumitingin sa kawalan...natutulog...i really feel unmotivated...iniisip ko nga kung ito ba talaga ang gusto ko para sa sarili ko...actually kung tatanungin mo ako ngayon kung ano ang gusto ko...magkikibit balikat lang ako. dati solid ako kung ano ang gusto ko...ngayon ewan.

am i just being moody with what i want in my life? o baka yung ini-imagine ko dati na gusto ko eh hindi naman talaga yun ang gusto ko kundi it's just something very ideal at the time?

nung bata ako tinanong ako ng lola ko kung ano ang gusto ko paglaki...sabi ko gusto kong maging doktor, gusto ko maging scientist, teacher, lawyer, pilot, astronaut...well so far...

doktor...well marunong akong kumuha ng blood pressure, marunong akong mag-cpr, marunong ako mag-iv sa isang aso...

scientist...nag-experiment ako sa mga soap

teacher...i took a degree in teaching and i was able to practice it during my ojt

lawyer...mahilig akong makipag-argue hehehe at may alam ako sa ibang mga batas...at naging public official ako...di ko alam kung nagka-count ito sa pagiging isang lawyer.

pilot / astronaut...bro ko kumuha ng aviation...nakakapag-astral travel ako, involuntary nga lang.

dati niloloko ako ng bunso kong kapatid..."dr. ortiz, dr. ortiz you're wanted at the basement!" tawa lang kami ng tawa kasi sa gusto kong mangyari sa buhay ko...i'm thinking of a career in the basement of some hospital...well hopefully as a psychologist (or psychiatrist kung may time pa) and not as a patient.

pero sa ngayon pasyente na muna ako. career crisis na itech!

No comments: