6.30.2006

Quoting Papa

Minsan nage-eavesdrop ako sa mga phone conversations ng papa ko...especially pag tumatawa na sya ng kanyang weird at nakakahawang tawa. Kahit Ilonggo pa ang language naiintindihan ko medyo...ilan sa mga famous quotes nya ay eto: (hindi sa nag-iipon ha pero i find it interesting and funny - yung iba)

Quote 1:

"There's opportunity in adversity. "

Kaya nga mahilig si Bush na magkaroon ng mga giyera, mas yumayaman kasi ang Amerika sa pamamagitan nito.

Base naman sa crisis namin sa family namin, well I have decided to go, provide emotional moral and psychological support for my mom and at the same time look for a job para makatulong sa kanyang therapy.

Ok tapos na ang serious side.

Quote 2:

Kausap ng papa ko ang pinsan ko through phone. They're both speaking in their native tounge...Ilonggo...naintindihan ko yung iba. Anyway, was switching channels kasi that time from PBA to ABS-CBN's Deal or No Deal, tatawa tawa ang papa ko sa kanilang pag-uusap, tapos patingin tingin pa sa akin. I think they were talking about a girl.

Tapos narinig ko na lang na sinabi ng papa ko "Selyo with stamp...stick with me and you'll go places"

Pick-up line ba ito??? Langya ang corny ha!

Quote 3:

Another pick-up line na kanyang pinagmamalaki lalo na nung binata pa daw sya. Ilang beses ko na atang narinig ito sa kanyang mga kuwento.

Backgrounder muna: Sinasabi nya sa akin as a warning na sadyang palabiro at pilyo ang mga lalake. If they can get their way with you gagawin nila yun.

(Noong nauuso pa ang mga amoy prutas na mga lipstick or lip gloss)

Lalake: "Uy ang bango at parang ang sarap ng lipstick mo ah. Patikim nga nyan."
Babae: "O eto." sabay bigay ng lip stick.
Lalake: "Ayoko nyan. Gusto ko yung sa labi mo"

Hanep!

2 comments:

Anonymous said...

mia, san sa states?

Anonymous said...

legacy canyon place, san diego, cali