6.26.2006

Somewhere over the rainbow what a wonderful world

Went to Antipolo last Saturday for my uncle's birthday party. Si Papa nag-drive. Don't feel like driving that day. Too moody to drive. Besides I'm sure aagawin naman niya ang manibela sa akin so siya na lang. Nasa backseat ako ng sasakyan with my tita. Sa likod kami dumaan, via Taytay. Mas maganda ang makikita ko dun at mas sariwa ang hangin kumpara sa highway. Nakatingin ako sa labas nagmumuni-muni. Parang uulan.

Nang mapatingin ako sa tuktok ng bundok, nanlaki ang mga mata ko. May rainbow!!! Perfect arc, matingkad ang kulay. Parang may kinabaksakan talaga ang dulo nun. Pot of gold!!! Parang sarap puntahan. Kung may camera lang sana ako ng time na yun haaay...

Habang nagmamaneho si Papa parang papalapit kami dun sa dulo ng rainbow. Tinititigan ko siya...nang biglang may mapansin ako na isa pang arc! Medyo faint nga lang kulay niya. Nasa ibabaw ito ng matingkad na rainbow, perfect din ang arc!

Naks naman! First time ko makakita ng rainbow na perfect ang arc...at dalawa pa! Kakaiba! Para akong bata! Sooobrang excited! Muntik ko na ngang i-text lahat ng mga kakilala ko para lang ibahagi kung ano ang nakita ko. Pero kababawan di ba?!

Sa kabila nun, para bang sinasabi sayo ng Diyos na wag kang mag-alala may pag-asa pa. :)

1 comment:

Anonymous said...

tama ka mia. ang ganda naman nun. napaka vivid ng imagination mo. thanks for sharing it. i imagined it too.