7.23.2006

US First week

Haaay dyesketch oo andito na nga ako sa San Diego at wala ako masyado ginagawa sa ngayon kundi ang kumain at matulog!!!! Sus ginuu! We went to the gym kanina to shed some fats dahil alam ko nag-gain talaga ako ng weight. Pagkagamit ko ng weighing scale nila nalaman ko na nag-gain ako ng 5 lbs!!!! Waaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhh!!!! I need to go to the gym talaga!

Anyway, here are some pictures nung nagpunta kami sa US-Mexico border. Dyahe ha...andun pa kami sa may gate nagkukuhaan ng tito ko ng pictures. Mega smile naman ang lola nyo.


Nanood din kami ng mga tito ko at mama ko ng baseball game. San Diego Padres vs the Atlanta Beavers Braves. Nabubuwisit ako sa game nila ha sapagkat tatanga tanga at lalamya-lamya ang mga Padres sa paglalaro. Biruin mo ba naman na may moment dun na nagpasa ng bola ang pitcher sa shortstopper nya at tumama sa noo!!! AAAhhhhhh ang estupido!!! Haay the game ended 11-3 panalo ang Braves. Oh well next time na lamang.

Daming tao! Pero di pa puno ang stadium!

Welcome! Welcome!!!

3 comments:

Barry said...

baka mapagkamalan kang mexicano at itapon ka papuntang mexico.ndg

Zhinesade said...

powcha! star ka pala dun sa stadium! welcome welcome, indeed! bruha ka, dami ko chika sayo! mishu!

Anonymous said...

barry, masyado akong pinoy para mapagkamalan akong mexicano...naka-daster nga ako dyan o...di ba halata? hehehe that was the time kasi na pinag-drive ako sa freeway from san diego county to the border...pero di kami nagcross ng border hehehe


bakla, email mo na lang ako ng mga chika mo para masaya...binu-buzz kita kanina pero i guess masyado ka ata busy...basta yun. :D