For the first time pinanood ko yung reality talent show ng GMA 7. Finals night kasi kagabi ng StarStruck the Next Level last night and I since wala pa kaming data sa number of sms o text messages na pumapasok sa GMA sa mga tv programs nila pinanood ko siya kagabi.
Grabeeee....me habang patience ang binigay ko para lang maintay yung paglabas ng mga number of votes! Habang pinapanood namin ng aking mader yung show nabobored kami mega! We can't help compare the production number of GMA to ABS-CBN.
Ika nga ni mader walang kalatoy-latoy, walang kaclass-class. I guess di lang mga non-kapuso ang maga-agree sa productio na ginawa ng mga producers et al ng StarStruck last night. I even visited the forums of GMA 7 kanina pero negative din yung mga remarks na nakita ko dun sa forum nula. Maging ang mga kapuso disappointed dito.
Ito ang ilan sa mga napuna ko kagabi. Kung di ko lang talaga kelangan yung data eh di pinatay ko na TV namin:
1. Dance numbers - hindi siya ganun ka-exciting. There's nothing really amusing sa kanilang pagsasayaw at hindi ako naeengganyo ba kung sakaling mapanood ko sila ng live. Paulit-ulit ang dance steps at ang difficulty level ay very easy. Mas magaling pa yung mga nakikita kong nagpeperform sa mga culminating activities sa mga eskwelahan kesa sa Starstruck. Iniisip ko nga e ano ba to? high school program? Meron pang musical skit na verry high school talaga.
I am very sorry, pero nasa high school pa ba ang mga choreographers at directors nila na pang-high school ang dating ng kanilang presentation?
Siguro I am just expecting too much...but this is the finals haller!!
2. Maybe di na maiiwasan ang mga technical problems lalo na kung live yung show. So nung nag-announce ng mga awards eh nagkandaloko yung sa wide screen na backdrop ng stage. Haaay bagsak sa performance evaluation ang engineer/operator na may responsibilidad dun.
But in fairness to the hosts, magaling silang mag-keri ng sitwasyon. Bagama't halata sa mukha ang disappointment.
3. Sounds. Di ko alam kung bakit di nila magawang gawing crisp and clear ang paglabas ng mga boses ng mga batang ire. Nung kumanta si Rich e di ko alam kung may problema ang boses nya o yung mike. Pero nang magbigay ng mga comments ang mgajudges wala namang nagsabi na pangit ang kanyang boses or kelangan i-improve pa nya ito. I guess her voice is ok pero pangit ang mike o sound effects ng kanilang speakers?
Pero bakit nung kumanta si Regine eh ok naman ang labas ng boses nya sa speakers?
Pero sa totoo lang comparing the sound quality ng ABS-CBN at GMA, mas naaappreciate ko ang sa ABS-CBN.May kinalaman kaya rin yung sa pagbroadcast nila ng data to TV? Masyadong technical itong issue na ito, kiber!
4. Long production hours. Mga 3 oras yata yun. Bad timing pa dahil kinabukasan ay may pasok. It started at 10pm then natapos na sya ng mga 1 AM na! Naiimbyerna na nga ako e, di na nga kasi maganda ang production numbers ang haba pa tapos gabing-gabi na ng pinalabas ito! Nakatulugan ko tuloy! Kaya yung number of votes for the highest number of votes for a female survivor di ko nakuha!!!! Oh well, nakuha ko na naman na lahat except yan, so I'll just make an estimate na lang.
Di naman ako masyadong apektado considering that I am a kapamilya ano!?
Well I can emphatize naman din with GMA 7 who is trying very hard to keep the top 1-2 position. In fairness to GMA may mga periods na masmalaki ang audience share and ratings ng mga TV programs nila compared to ABS-CBN. Pero you really have to work harder (and invest more in equipments) I guess kung gusto mong manatili sa taas at manatiling satisfied ang mga kapuso sa mga programa nila.
Ayun lamang.
No comments:
Post a Comment