May payakap churva effect pa ang lolo kay lola at pinapakita pa na nagbigay ng libreng libro at sapatos...as if sa sariling bulsa nya galing eh nuknukan ang pagkacorrupt naman niya at ng buong pamilya nya.
Magkano kaya yung nagastos ng taong bayan este nila sa pagpapagamot ng anak ni Eusebio sa US?
Alam kaya nung mga taong sumusuporta sa kanya na kada magmemeeting ang kanyang tatay sa iba't ibang baranggay lalo na sa squatters area na isang kilong darak lang ang halaga nila?
Na utang na loob pa ng mga Pasigueno ang ginagawang pagpapatayo ng mga eskwelahan, pag-install ng poso, ng tulay at kung anu-ano pa na sa kabang bayan naman galing?
Sa mahigit na 3 billion na income ng Pasig ilang porsyento kaya doon ang nailalaan para sa kalusugan, kabuhayan, edukasyon at kaligtasan ng mga mamamayan ng Pasig? At ilang porsyento na ang naibulsa nya?
Gaano kalaki kaya ang kinita nila sa loob ng mahigit kumulang na 15 years na pamumuno sa Pasig na kung saan na sa halos lahat (o ahat?) ng eleksyon eh dinaya nya?
Maging sa eleksyon campaign nga hindi sila fair dahil tinatakot pa nya ang mga sweepers na tanggalin ang mga posters at stickers ng kanyang mga kalaban. Insecure ba?
Gaano kalaki kaya ang nawala sa kanya nang madiskubre na meron palang tiangge ng shabu at iba pang mga pinagbabawal na gamot na halos nasa tabi ng city hall ng Pasig? Isang dura lang ang layo nun at tanaw na tanaw mula sa taas o floor ng kanyang opisina.
Dahil sa ad nya sa tv kagabi...di kaya manalo sya sa Marikina nyan?
=*=
Bwisit talaga ang campaign period! Kelangan ba talaga nila mangampanya habang rush hour???
Perwisyo sa traffic!
No comments:
Post a Comment