Nung makalawa, bwisit na bwisit ako sa flow ng istorya ng isang telenovela. Para kasing ginagawang tang a ang mga viewers nila sa pinapalabas nila na script. Paanong mahahatol ng reclusion perpetua ang isang bida ayon sa pahayag ng ina ng biktima gayong ang pahayag ng ina ng biktima ay flawed? Sa istorya kasi na naipahayag na sa hukuman na ang ina ng biktima ang siyang nagbigay ng address sa nasasakdal, na pinilit ng biktima ang ina na kausapin at papayagin ang nasasakdal na magtagpo sila sa address na iyon...yung ina pa nga ang nagbigay ng address dun sa nasasakdal. Habang nasa witness stand ang ina ng biktima, sinabi niya na madalas daw nagkikita ang nasasakdal at ang biktima sa bahay na iyon at iyon daw ay ang kanilang "love nest". Matapos ang pahayag nung ina, nahatulan ng pagkabilanggo ang nasasakdal. O di ba? Isang kagaguhan. Pwedeng pwede i-refute ang pahayag nung ina di ba? Pinilit lamang nilang (scriptwriters) gumawa ng sitwasyon na kung saan madedehado ng husto ang bida para sa bandang huli ay magkaroon ng magandang finish! Kakaimbyerna! Ano ito?! Pampataas lamang ng rating?
Ang literatura (mga fiction books) noon ang siyang ginagawang sandata noon upang maipakita at maisiwalat ang mga di kanais nais na mga kaganapan sa lipunan. Ito rin ang syang gumigising sa kaisipan ng mga Pilipino ukol sa tama, ideyal o wastong paraan ng pamumuhay. Ang media o ang telebisyon ang siyang modernong kasangkapan upang magbigay ng kaliwanagan o impormasyon ukol din sa wasto, lohikal at tamang pag-iisip ngunit hindi ito nagagamit ng tama. Tulad na lamang ng example ko sa taas, nagagamit ang telebisyon ( in particular, mga serye na pinapalabas sa telebisyon) upang magpakita ng mga ilohikal na mga pag-iisip, at mga di kapanipaniwalang mga pangyayari para makapagbigay na mataas na sensation dun sa serye. Entertaining nga para sa mga manonood pero nakapagtuturo din ito ng kakitiran ng pagiisip.
Of course, sa ating, sabihin natin, may mataas na pang-unawa at edukasyon kumpara sa iba nating kapwa, masasabi natin na nasa sa atin naman kung panonoorin natin, paniwalaan o isasabuhay ang mga napapanood natin. May kapangyarihan tayong pumili at maisip kung tama ba o mali ang mga nakikita natin sa telebisyon. Choice natin kumbaga kung patuloy nating ipapatronize ang mga seryeng iyon, ngunit paano ang social responsibility? Paano ang mga taong kulang sa edukasyon, ang may mga makikitid na isip, at mga mang-mang? Paano ang mga batang nakakapanood ng ganito na walang superbisyon ng mga magulang? Kulang ba ang talento ng mga Pilipino upang makapagbigay sila ng entertaining, sensational and at the same time sound and logical story lines and dialogues?
Kaya naman talaga kung tutuusin, pero marahil natatakot sumubok dahil baka hindi ipatronize ng mga average Pinoy ang kanilang produkto. Sa kanilang paniniwala, di pa ganoon kataas ang intellectual level ng karamihan upang ma-appreciate ang mga slightly higher intellectual plots. Kahit nga pagdating sa comedy, mga slapsticks pa rin ang mukhang bumebenta sa takilya. Pero naisasaalang-alang pa rin ang mga values at tamang kaisipan sa pagpapalabas ng mga ganitong palabas.
Marami pa akong kakaining bigasbago siguro magkaroon ng ganung klaseng pagbabago sa mga programa ng lokal na telebisyon. Ano na lang kaya ang sasabihin ni Brocka at ni Rizal sa mga napapanood nila sa telebisyon? Matuwa kaya sila o mainis din sila tulad ko?
No comments:
Post a Comment