Minsan ko nang sinabi na hindi ko na babalikan ang nakaraan ko. Na magpapakatino na ako at hindi na magiging impulsive sa aking mga kilos. Ngunit may mga pagkakataon na hinahanap ko na maambunan man lang kahit minsan.
Isa sa mga dahilan kung bakit nangyari ang nakaraan...ang stage ng exploration ay dahil sa sakit mula sa unang pag-ibig. Una at tanging pag-ibig...hindi ang unang kasintahan. Self-destructive...ganon naman nga ata talaga ang mga Scorpions pero nakakaraos din naman mula sa sariling lason. Lessons learned...might still be making the same mistakes but more prepared of the consequences.
Matapos ang mahigit na tatlong taong tagtuyot naambunan nanamang muli. Nakahinga rin sa matagal na pagpipigil at pagtitiyaga sa pamamagitan ng daliri.
Ngayon, makalipas ang 3 araw sa aking pagkakawala sa hawlang ako mismo ang nagkulong sa sarili ko, hinahanap-hanap ko ang halik, yapos at pananabik na binigay sa akin ng lalaking kumawala sa akin.
Ang pagiisa ng aming mga katawan ay nangyari nang isang minsan lang. Maulit pa kaya? Sa isang banda ng aking panaginip ay hinihiling kong makasama syang muli, ang hugutin nya ako sa matagal kong pagkakatulog sa mga ganitong klase ng kasalanan. Ang mabaliw muli sa pag-ibig at sa mga karnal na tawag ng katawan.
Kung hindi man mangyari ulit...kung hindi man masulyapan muli...kung di man makausap muli...ayos lang. Maligaya na ako sa kahit kaunting panahon na siyang nakadaupang palad ko ay naramdaman kong lumagablab ang init sa buong katauhan ko.
Sapat na ang ala-alang iyon sa panahon ng tagtuyot. Hanggang sa susunod na mga taon muli.
No comments:
Post a Comment