Binigyan ako yesterday ng feedback from the managers regarding my performance evaluation with them. Nakakatakot daw ako. Mas mahigpit pa daw ako sa dating nage-evaluate sa kanila.
Natawa lang ako. Sabi ko sa papaanong paraan ako nakakatakot. Di daw makapag-bigay ng details. Hmmmm...its all based on their impressions. Sa pagkakatanda ko wala naman ako sinindak sa kanila. Iniisip ko...di ba matanda na sila para masindak? (Most of them are in their 40-50's by the way) I was very formal at straight ang mukha ko sa pakikipagusap sa kanila. Alahanin naman makipagharutan ako sa kanila habang ineevaluate ko sila deva?
It's like in college. People are afraid of me not because I was an officer but because they find me intimidating. After naman daw nila ako makilala ng husto kalog at sira-ulo din daw pala ako.
Oh well. Does this mean I need perception management?
No comments:
Post a Comment