4.30.2005

Sino ang tunay na magulang?

Mag-isa lang akong kumakain sa Megamall. Mag-alas dose na ako nang kumain ako ng agahan/tanghalian. Tanghali na nga para sa tanghalian kung tutuusin.

Mahilig ako magmuni muni kapag magisa lang ako at walang kausap. At mahilig din akong mag-obserba ng mga kilos ng mga tao. Hindi ko alam kung saan nanggaling ito pero may bigla na lang akong naisip. Pampalipas oras at pampakiliti sa aking isipan habang nag iisa ako.

Ito ang scenario.

Si John at Ruel ay long time lovers. Gusto nila na magkaroon ng anak. Si Ella, na lesbianang kaibigan nila ang naisip nila na hingan ng egg cell. Lesbianang butch si Ella at ayaw nya na mabuntis. Kaya't naghanap sila ng surrogate mother, si Anne.

May problema sa reproductive system sina John at Ruel. Kaya't lumuha sila ng sperm cell sa isang sperm bank.

Makalipas ang siyam na buwan, nanganak si Anne ng isang malusog na babaeng sanggol. Kinupkop na nina John at Ruel si Anne para may magbreast feed sa kanilang anak at dahil sa napamahal na rin sa kanila si Anne. Si Anne na rin ang tumayong yaya nung bata.

Paminsan minsan kung dumalaw si Ella sa kanila.

Sino ang talagang mga magulang nung bata?

- Si Ella na nagdonate ng egg cell?
- Si Anne na nagdala sa kanya ng siyam na buwan? o
- Sina John at Ruel?

No comments: