4.29.2005

Researcher na naging Tindera ng mga Fishballs

Dalawang linggo nang nakalilipas mula nang magresign ako bilang Research Assistant sa isang ika nga ni Enteng na sorry ass company namin. Looking forward nga ako sa pagreresign kasi at least after 5 years of working ngayon lang ako makakatikim ng mahaba habang bakasyon. Ang tanging bakasyon ko lang kasi noon ay tuwing Pasko at Mahal na Araw.

Ako ay nagkamali.

OO nakapagbakasyon nga ako sa La Union at Baguio (bakasyon nga bang matatawag yun? dahil wedding ang pinuntahan ko sa La Union at hindi naman ako nagtagal masyado dun).

So ngayon nagbabakasyon ako habang nagtitinda ng mga hamburger, fishballs, squidballs, kikiam, chicken balls and gulaman.

But you know what?! mas nage-enjoy ako ngayon kesa dun sa sorry ass company ko dati. I woke up late although I sleep late (or early in the morning na as in madaling araw) and I'm the boss here :D

No comments: