5.24.2005

First day of classes for the SY 2005-2006

Yesterday was the first day of school for the first term sa DLSU. Ang aga ano? Well excited na rin ako kasi nababato na ang utak ko sa bahay at saka para magkaroon din ng change sa aking setting. Hindi yung puro bahay at computer shop / tindahan na lang ako.

At syempre, late na naman ako to think na 6pm naguumpisa ang klase. Actually 230 pm ako umalis ng bahay namin kaya lang pumunta muna ako sa Alimall sa Cubao para ipagawa ang aking not-so-amazing phone. Bad trip! bumigay na nga talaga. Pinagawa ko rin ang phone ng nanay ko kasi ilang beses na nyang nabagsak yun.

Anyway, late na nga ako pumasok. At pagpasok ko medjo na-overwhelm ako sa laki ng class. Mga 40 students siguro kami. Well, malaki na yun for post grad. Hanap ako ng mauupuan.

Syempre mega observe ako sa mga classmates ko. Marami na naman akong mga foreigners na mga classmates. Karamihan taga-India ata at karamihan din sa kanila ay mga pari at madre o nasa isang religiuos organization.

Gala pa ulit ang mata ko. Para bang naghahanap ng potential human being where I can feast my eyes on and be my sort of inspiration for that class. At ayun na nga, ang masasabi kong candy ng class na yun (no, this doesn't mean na babae sya at sweet ok? candy sa panlasa ng mga mata ko kumbaga). Ayun siya, sitting across me, katabi ng teacher. May itsura ang lolo mo, matipuno ang pangangatawan, matangkad at least 5'10 siguro sya, kayumanggi, maangas ang mukha, clean cut, medjo baduy manamit pero kaya nyang dalhin ang sarili nya...in short type ko ang lalaking nakikita ko.

Ang weird sa lahat dito, habang inoobserbahan ko ang physical attributes nya at mga non-verbal gestures, naghahanap ako ng mali sa kanya. Kahit yummy siyang tingnan, naghahanap ako ng nakakaturn-off sa kanya.

Medjo pangit ang ilong, tapos parang tight ang kanyang personality (may pagka-anal, o.c.), baduy etc. Pero ang major turn off dito ay nung turn na niya na mag-share sa tanong ng teacher namin e susme! Parang call centerish sya magsalita! Trying to speak English with an American accent. Hindi siya amboy no! Halata naman kung amboy o hindi e. Nagpupumilit lang talaga.

Dito na ako natawa. And I felt relieved. Kasi alam ko na never na ako magkakagusto sa lalaking ito. Well not because of the way he speaks pero dahil sa isa siyang bakla! Hahaha! Sabi ko na nga ba e. Umpisa pa lang...di pa sya nagsasalita medjo may hint na nga siya ng pagkabading kahit anong pagpro-project nya na lalaking lalaki siya.

Also, I felt relieved because I know it is impossible to fall in love with this guy. And the weird thing about all this is that I'm longing for someone to love me and yet I make it hard for me to be in love with anyone (and I also make it harder for the other one to fall in love with me...remember my past relationships and suitors?). I always disguise this as self preservation. Gasgas na nga ang reason na ito.

I guess I'm just terrified that I might get frustrated again and depressed when I found someone else tapos hindi na naman magwork yung relationship. Or maybe I just don't want to fall in love with anyone because I still love someone at ayokong mawala ito. Because I would feel na bine-betray ko lang ang puso ko at ang mahal ko?

(sigh).

No comments: