Galing ako ng clinic kanina para kumuha ng gamot sa sipon at sakit ng ulo. Pagkakuha ko ng gamot, ininom ko kagad ito. Pero hindi ko kaagad naitapon ang pinaglagyan nito.
Nakipagdaldalan na ako sa teacher at thesis adviser ko, nakapagdasal na sa chapel, binasa ang announcement board ng OCS pero nang malapit na ako sa aming opisina ay saka lang ako nakakita ng basurahan na pagtatapunan ng basura kong dala.
Bakit hindi ko naisipan itapon kaagad iyon?
Hindi dahil sa walang basurahan sa paligid, nagkalat pa nga ito sa bawat sulok ng paaralan. Hindi ko nakita ang lalagyan dahil hindi ko sya hinanap kaagad.
Kasi sa dami ng iniisip ko, di ko alam na marami na akong mga lalagyan na nalagpasan. Naisip ko lang na itapon ang dala ko nang mapatigil ako bigla sa aking paglalakad at tumambad sa harapan ko ang lalagyan ng basura.
No comments:
Post a Comment