9.30.2005

Choc nut at yosi.

Nung isang oras sooobrang busog ako sa kinain ko. Beef mami na may walong fried siomai at isang buko juice. Astig nga ang presyo dahil 50 pesos lang lahat lahat ng inorder ko.

Yan ang kasarapan pag sa eskwelahan ka nagtratrabaho ang mga presyo ng paninda ay presyong pang-estudyante.

Sa sobrang kabusugan ko naisip ko na baka sakaling bumaba ang kinain ko pag nag-yosi ako.

Matagal na akong hindi nagyoyosi, mga ilang buwan na rin akong natigil dahil sa iniinom kong gamot. Hindi naman talaga ako smoker...ako yung tinatawag na social smoker lang. At naging karanasan ko na kapag soobrang busog ka ay magyosi ka lang para matanggal ang umay mo sa pagkain.

Ginawa ko nga ang naisip ko. Bumili ako ng paborito kong yosi. (Ang kagandahan din kasi dito, marami ding nagtitinda ng mga anik-anik dito sa gilid ng Gokongwei bldg. mula lamb chops, taho, shawarma hanggang sa mga blue seal na yosi).

Hinitit ko ng isang beses ang Dj myx strawberry flavor. Ayos lang ako. Pero iba na ang panlasa ko sa yosing ito. Ang sama ng lasa hindi dahil sa luma siya o kung anuman, palagay ko nga bagong bukas pa ito. Pero may sa panlasa ko na naiiba.

Matapos ang ikatlong hitit, ayoko na. Nagsisisi ako kung bakit ako bumili ng yosi. Lumala lang ang pakiramdam ko. Naging mabigat ang ulo ko at sobrang naaasiwa ako sa amoy ng yosi.

Nung una hindi ko maintindihan dahil paborito ko ang niyoyosi ko at iyon lang ang yosi na nasasarapan ako. Marahil may kinalaman ang mga gamot na iniinom ko sa aking panlasa.

Kaya pala ang dating ayaw ko na choc nut ay nagugustuhan ko na ngayon at hinahanap hanap.

No comments: