Muziklaban grandfinals on Sept 10 Saturday 8pm @ Amoranto Stadium! Nuod kayo para astig.
***********
Sumulat yung kaibigan ko sa F! (it's a fashion tv show) para humiling ng makeover....hindi para sa kanya kundi para dun sa friend namin...na maraming umaangal sa itsura nya. Parang ako kasi yun...walang pakialam sa kung ano sasabihin ng tao sa damit ko. Ako nagsusuot ng luma, sira, at walang paki kung pambahay o panlakad ang suot. Gumimik na nga ako na ang aking pang-itaas ay ginagawa ko ring pambahay/pantulog na nabili lang ng nanay ko sa tindahan ng mga daster sa palengke. Naniniwala kasi ako na sa pagdadala lang naman yan e. Besides wala namang nakahalata na ganun...kung di ko pa sinabi di nila malalaman
Ang problema naman dito sa friend namin ay wala talagang coordination ang kulay ng mga damit nya. Halimbawa magsusuot sya ng apple green shirt sabay ia-accentuate nya ng red scarf. Parang ganun. I'm not a fashion guru pero I believe hindi naman ako salat sa kaalaman pagdating sa color matching ng damit.
And since we're talking about fashion. Napagalitan na naman ako ng lola ko dahil mukha daw akong manang sa suot ko! Eh ano gusto nila mag spaghetti strap ako, plunging neckline or see through blouse ako?!! Susme ultimo lola ko sinasabihan akong manang! Ano ba yan?!
Sabi niya mag-ayos daw ako, pinturahan ang aking mukha. E sa totoo lang ayaw kong magpinta ng mukha dahil di ako marunong saka makati at nakaka-cause ng pimples. Haay lola, makisawsaw daw ba sa mga nagsasabi sa akin na mag-ayos ako?
Kelangan ko rin ba talaga ng make over?
No comments:
Post a Comment