9.12.2005

Tinawag ba naman akong Bouncer!

Which I think is a compliment actually. Anyway....

Last Saturday, nagpunta ako sa grand finals of Red Horse's Muziklaban. Astig di ba? Excited na nga ako nang pumunta dun. Nakikita ko pa lang ang ilaw na nagmumula sa Amoranto stadium eh umiikot na puwit ko.

Pagdating ko dun nadismaya ako kasi nakasarado ang gate dito sa may bandang Roces Ave. Madali nga akong naka-park, hirap naman kaming pumasok. Maging ang mga may mga ticket na e hindi makapasok. Parang ang tanga rin ng mga organizers sa loob loob ko lang.

Niyaya ko na nga mga kaibigan ko na umalis na dahil parang hopeless na ang makapasok. Dahil yung may mga ticket na nga hindi makapasok kami pa kayang mga walang ticket.

After a few minutes ng pagdadalawang isip kung bibili ako ng taho o hindi, biglang nagbukas ang gate at dumagsa na ang mga taong naghihintay doon. Nagkaroon ng stampede actually at pasalamat na lang ako sa malaking katawan ko at nakayanan ko ang dagsa ng mga tao. Balita ko nga sa kaibigan ko parang umangat ang kanyang paa at natangay na lang ng agos ng mga miron. Mabuti at napagilid kami dahil lingid sa aming kaalaman may namamatay na pala ng mga oras na iyon. Pero masakit sa dibdib ha?! The disadvantage of having bumpers. Swerte na lang namin at walang nanamantala.

Napabalita ngayon sa Philippine Star na may 4 na katao pala ang namatay. Tsk tsk tsk. Grabe. Di ko akalaing magkakaganun. Sa nakikita ko kasalanan ng mga nagbabantay dun sa gate dahil kung nagkaroon sana sila ng sistema sa pagpapapasok ng tao umpisa pa lang ay hindi sana magkakaroon ng ganoong trahedya. Kawalan ng sistema ang pumatay sa mga batang yun.

Ok na rin ang gabi dahil syempre di ko naman alam na may namatay. Tumugtog ang ilan sa mga bandang tinuturing kong astig tulad ng Greyhoundz at Imago. Yun nga lang hindi nanalo ang gusto kong banda from Marikina - Mom's Cake. Ang nanalo ng gabing yun ay ang Sunflower Day Camp. Sayang nga eh hindi namin sila naabutan na tumugtog.

Di na ako mauulit sa ganung klaseng pagtitipon. Tama na ang maranasan ko ang isang beses. (Parang naalala ko tuloy yung nangyari nung last Oktoberfest concert na pinuntahan ko, na may mga taong pumapanhik na duguan dahil tinamaan ng mga bote ng beer) Hindi dahil sa hindi ako nag-enjoy sa mga bandang tumugtog kundi dahil sa amoy at pawis ng mga taong nadididikit namin. Maarte na kung maarte pero kadiri talaga. Mga punkistang jologs. Kung me naligaw na mga hip hoppers siguro dun eh nagkalintik-lintik na ang lahat. Plus the fact na nagkaroon ng ganoong klase ng aksidente.

No comments: