10.04.2005

Isip isip

This morning kausap ko ang tito ko na chemist and he asked me about my herbal soap formula. Of course, tito ko naman siya and I know how he needs new products sa kanyang business so I gave him my formula. Take note formula ko ito na pinaghirapan ng ilang weeks para makuha ang perfect soap.

Tapos sinabi ko rin sa kanya na I'm currently doing another project/experiment on liquid soap cum toothpaste cum shampoo. Pero yung first 2 trials ko pumalpak kasi hindi ko nakuha ang right consistency at tumitigas ang soap kahit na nag-dilute na ako ng tubig.

We exchanged ideas. Astig! Sabi niya pag-aaralan daw niya yung formula na ginamit ko. O di ba? Feeling chemist din ako!? Tapos yung mga palpak ko na experiments kinuha din niya para pag-aralan kung saan ako nagkamali.

Sayang nga at hindi ko rin maibibigay yung mga notes ko dati dahil nagkalat na din ang mga ito at hindi ko na alam kung saang envelope ko na ito nailagay. Alam nyo naman parang gubat ang kuwarto ko.

Actually before I entered the world of R&D, ito na ang ginagawa ko...right after graduation...ang gumawa ng sabon. Dahil siguro sa pagkaburingot ko sa paghihintay ng trabaho minabuti ko na noong araw na pag-ukulan ito ng panahon. At kahit pa noong may trabaho na ako, basta may oras at di pa ako masyado pagod ay ipinagpapatuloy ko ang paggawa ng sabon.

Minsan naiisip ko what if kung mag-aral na lang ako ng chemistry at pagbutihin ang paggawa ng sabon...tutal pupwede ko naman talagang maging business ito at naumpisahan ko na nga di ba? Pero naisip ko din na baka hindi rin ako magiging masaya dahil mafru-frustrate lang ako sa mga calculations. Alam ko na weakness ko ang math talaga.

Tapos naalala ko yung mga pangarap ko noong bata ako. Gusto ko maging isang scientist!

Nagkaroon naman ng katuparan yun kahit papaano dahil mahilig naman ako mag-explore at mag-experiment. Mag-experiment sa mga sabon, mag-experiment sa pagluluto, self-exploration, (s) excapades, atbp.

I do not know if these opportunities are just distractions to a greater calling. I mean how would you know if they are distractions or my real calling? Gusto ko maging clinical psychologist talaga pero it seems that the path towards that goal is hard to find.

Alam ko naman na I have the power to choose kung ano ang magiging kalalabasan ng buhay ko but what if hindi pala para sa akin ang pangarap na iyon? Paano mo ba talaga malalaman?

Right now, sumasabay lang ako sa agos ng tubig. May mga plano na talaga ako sa kung ano ang gusto kong gawin pero dahil sa naging experience ko na dati na hindi naman lagi natutupad ang mga plano mo hindi rin naman ako ganoong umaasa na matutupad lahat ng iyon. Pero at least may parang direksyon ang aking buhay. Something to look forward to.

Nakapanghihinayang din kasi na isipin na nag-masters pa ako ng counseling psychology para foundation sa clinical psychology tapos hindi rin naman pala doon patungo ang daan ko?

And if I would allow myself to be entertained (again) by these distractions then I am just putting myself (again) in a position that would confuse me. This would make me indecisive (again).

Committment lang talaga sa chosen goal siguro para manatili sa pangarap. Pero naiisip ko na posible kaya na pagsabayin ang dalawang ito? Ang problema nga lang dito kung gagawin ko ito hindi ako magiging matagumpay sa alin man sa dalawa dahil hindi ka puwedeng maging alipin sa dalawang amo...mahirap mamangka sa dalawang ilog. Pero posible.

Bahala na.

No comments: