11.03.2005

Si "Jojo"

Ay dysuku! Isang malaking iskandalo ang naganap kanina. Isa na marahil ito sa pinakakakahiyang pangyayari sa tanang buhay ko!

Nasa chess plaza na ako nun at papunta na sa opisina ng MRDO nang bigla kong makita ang kaibigan kong si Jojo.

Sumigaw ako, sabi ko Jojo!!! Hindi ako pinansin ni Jojo. Sa loob loob ko lang ay nag-iinarte na naman itong lalaking ito.

"Hindot na ito hindi ako pinansin!"

Pag daan sa harapan ko ay hinampas ko ng folder ang likod nya. Sabi ko Jojo??!!! With my taray look effect pa! Nagagalit pa ako ng lagay na yan.

Tapos tumingin sa akin si "Jojo" na may pagtataka at halong pagkainis. Tinitigan kong mabuti ang kanyang mukha at nang makita na seryoso siyang hindi siya ang tinutukoy ko na lalaki ay sinabi ko na "Ay! Sorry!!! I thought you were Jojo!".

Napangiti lang ang lalaki. Sabay talikod ako at dumiretso na sa opisina ng MRDO. Habang sinasabing "stupid! stupid! stupid!"

And to confirm pa...tinawagan ko pa ang natutulog na Jojo at kinuwento sa kanya ang buong pangyayari.

Haay...I think this is a clear indication that I already need prescription glasses!

But in fairness kamukhang-kamukha niya talaga yun. Parang pinagbiyak na arinola!

No comments: