10.17.2005

Acupuncture, babaeng sakristan at fishballs

Nakapagpa-acupuncture ako last Saturday. Instik na madre ang nagtusok ng mga needles sa ulo ko, tiyan ko, kamay ko, at sa binti ko. Sigguro may mga 30-40 needles ang nakatusok sa akin. Kakaunti lang siya actually at mala-introductory session lang ito para masanay ako sa mga needles. Ang susunod kasi na gagawin sa akin ay paiinitin muna sa baga yung needle bago itusok sa akin. Katakot pero ako a-tapang sa mga ganitong gawain. Well basta wag lang a-patak a-calamansi o a-patak a-suka ok na ako siguro.

Ang pinakamasakit na natusok nya ay hindi sa ulo o sa tiyan kundi sa kamay. Ewan ko nga kung bakit e. Ok lang naman, bearable naman yung pain e…ika nga nila kagat lang ng langgam. Wala nga ako halos naramdaman sa binti at sa tiyan nung tinusok ako dun. So far, wala naman akong nararamdaman na pagbabago sa aking katawan. Medjo umaalon lang naman ang feeling after 2 hours yata. Di kasi ako kagad nagpahinga e, naglakwatsa pa kasi kami.

Dapat magpapa-acupuncture din ang bro ko kaya lang nang makita akong maraming needles sa katawan lalo na sa ulo e mukhang na-duwag. Sabi niya next time na lang daw…pero malamang hindi na sasama yun next time. Mukha daw akong si Pinhead ng Hellraiser kasi hahahaha :D

_________________________________


Nagsimba kami sa Mt. Carmel sa New Manila. Ganda ng simbahan dun. Pangalawang beses pa lang ako nakakapagsimba dito. Galing kami sa clinic kung saan ako nagpa-acupuncture.

Kalagitnaan ng misa napansin ko yung isang sacristan na long hair. Sabi ko sa bro ko babae yan. Tapos sabi niya hindi daw pwede. Hindi daw babae yun at mukha lang daw babae dahil sa long hair siya.

Sabi ko pa rin babae yan…pustahan tayo. Tapos sabi niya imposible daw. Tapos sabi ko e, ang haba ng buhok o…strikto ang mga eskwelahan pag dating sa style at haba ng buhok ng mga lalaki…tapos sabi niya baka nag-aaral daw sa UPIS. Tapos sabi ko kahit na, babae pa rin yan.

Siyempre nairita ang mama ko dahil ang ingay namin. Tapos tinanong ko mama ko…since siya naman ang madalas makasimba dun. Sabi niya babae yung sacristan. At maraming babaeng sacristan na nagsisilbi dun sa simbahan.

Astig ano?

____________________________________


Nakalibre ako ng 5 pesos na fishball dito sa may hepa lane dito sa Gokongwei DLSU…wuhooo wala lang. Naaaliw lang ako sa kabaitan nung 2 mama kanina :D

Pero siyet last time na kumain ako ng fishball e nagsuka ako at sumakit ang tiyan. Di bale keri nay un…nabawasan naman ako ng ilang pounds nun e. Saka paanong titibay ang tiyan ko sa mga sakit nyan kung hindi ko sasanayin ang tiyan ko di ba?

Oo na, siraulo na ako.

No comments: