2.03.2006

Salamin

Isa kang malaking sagabal sa aking pang-araw-araw na gawain. Sa tuwing aayusin ko ang aking buhok ay lagi kitang nasasagi. Hindi ko maiayos ng wasto ang aking buhok kapag ito'y pumupunta na sa mukha ko dahil andyan ka.

Hindi ka na nakakatuwa. Una pa lang ayaw ko na sayo. Kaya nga maraming buwan ang lumipas bago mo ako naging alipin. Marami nga ang nagsasabi sa akin na bagay tayo. Gumaganda daw ako pag andyan ka. Pero iba naman ang sinasabi ng pamilya ko. Tumatanda daw ako at nagiging seryoso dahil sayo.

Kung alam lang nila kung gaanong hirap ang naidudulot mo sa akin dahil hindi ako sanay na andyan ka. Hindi kita maiwanan dahil kailangan kita. Ikaw ang mag-iiwas sa akin sa kalabuan at dilim, ang magbibigay linaw sa mga bagay na nakikita ko.

Alam ko maganda ang maidudulot mo sa akin. Para rin ito sa kapakanan ko. Anim na buwan pa tayong magsasama, kaya makisama ka salamin ko.

No comments: