1.18.2006

Lunas sa dumudugong puso

Ka-chat ko si Rose nung isang araw at nagtatanungan kami kung ano ba ang dapat gawin para makalimot o mawala ang sakit na dulot ng isang nabigong pag-ibig.

Sabi ko sa kanya, marami na akong ginawang eksperimento at mga kagaguhan para lang makalimot at para lang maging manhid pero walang umubra.

Nung isang araw na nagsisikip ang aking dibdib dahil sa pighati at kalungkutan kumatok ako sa langit at humiling ako sa Diyos na tanggalin nya ang sakit na ito.
Nasagot ang aking mga panalangin. Natuklasan ko nitong nagdaang araw na para mawala ang sakit na dulot ng isang bigong pag-ibig ay ang pagtulong ng walang pakundangan o kapalit sa kapwa.

Ang nadudulot nitong kasiyahan ang siyang bumalot sa aking puso upang mawala ang sakit, upang sa kahit isang sandali ay malimutan ang sarili at ituon ang buong atensyon sa iba, sa isang taong higit na nangangailangan ng pagkalinga.

Kaya ngayon, di ko man maturuan ang puso ko na lumimot, natuturuan ko naman ito na tumahan. Ngayon, ok na ako ulit.

No comments: