3.08.2006

Additional Update

Nakalimutan ko ikuwento.

Nag-text sa akin yung ex-bestfriend ko...si Karen...yung bestfriend ko since nursery. Nakikipag-ayos na. After more than two years na ata since na nagkagalit kami dahil sa nangyaring insidente dun sa kanya at sa tatay ng isang sa mga malapit kong kaibigan.

Nagreply ako sabi ko lang sa text ay OK. Pero once na malaman ko na sila pa rin. Aba, kalimutan na. Ayokong i-tolerate ang ganung klase ng mga kaasalan. Me tatay din ako. Pag nangyari sa akin yun siguro baga ingudngod ko mukha ng kabit nya sa durog na salamin sabay buhusan ng asido at kumukulong asukal.

Nga pala there's a new search engine site...well di ko alam kung bago ito pero check out GahooYoogle. Database ng yahoo at google pinagsama!

Ayun lamang.

No comments: