5.27.2006

05/25

12:30 am...still up. di yata ako madapuan ng antok ngayon. kelangan ko pang gumising ng maaga mamaya pagkat may iba akong pupuntahan. parang katulad kagabi nakatulog na ako ng mga 3:30 na siguro. inabutan na nga ako ng kapatid ko na papasok na sa school. maaga nga rin syang nagising in preparation for his final exams.

kanina pa nga ako nakatitig dito sa kawalan. pilit na hinahagilap sa aking utak ang katiting na idea na pwede kong ibahagi sa mga nagbabasa nito. kung meron man ngang nagbabasa nito.

tagtuyot yata ang utak ko ngayon. kelangan ko na sigurong tumigil sa kakatitig at pansinin ang mga nangyayari sa paligid.

maalala ko lang...i think i was supposed to meet my friends kanina for a reunion...pero wala namang nag-text so i guess hindi na tuloy? well ok lang...i did not really feel like going.

i'm sad. pero di ko alam kung bakit. maybe i'm just tired of the responsibilities? o napapagod na ako sa paggawa ng mga bagay na hindi ko naman talaga gusto dahil napilitan lang dahil sa sitwasyon na kinabibilangan ko ngayon? o sadyang nababagot lang sa mga bagay bagay na nangyayari sa akin? hormones? ewan ko.

semi-productive lang ang araw na ito para sa akin :(

No comments: