What a day!!!! Well actually di pa natatapos ang gabi ko dahil may ginagawa pa akong paper for my requirements in my practicum. Ilang weeks ko na ring ginagawa ito.
It has been a very productive day for me today! Well...may mga highs and lows nga...
Kaninang umaga nag-conduct ako ng self-disclosure group activity para sa mga incoming freshmen ng UP. Part ito ng kanilang Summer Bridge Program...para makapag-adjust ng maayos ang mga papasok na mga estudyante. Kasi kahit na valedictorian ka pa nung high school ka ay posibleng bumagsak ka pag nasa UP ka na. Labanan ito at dapat handa ang mga makikipagsapalaran.
Nabili ko ang dapat kong bilhin para sa shop namin at naiayos ang dapat ayusin dun sa loob. Natapos mapagawa ang mga drawers at na-install ang exhaust fan. Plano ko kasi na limitahin ang paggamit ng aircon...lalo na ngayong tag-ulan na hindi naman na magiging masyadong mainit. Sa panahon ng kompetisyon, kelangan magtipid.
Tapos nagpaka-bum na muna sa bahay. Mga 5:00 pm na rin nakapag-lunch. After ng Sa Piling Mo...which by the way nagiging mega exciting na hehehehe [langya! nakipagtalik si Benicio (Albert Martinez) kay Nicole (Rica Peralejo)!!! AT alam na ni Benicio at ni Nicole na si Catherine at si Jennifer (Juday) ay iisa! Dapat malaman na ni Adrian (Papa Piolo) ito!!!! exciting!!! buwist lang talaga ang mga commercials!]...eh pumunta na ako dito sa shop.
Detour sa tenant ng lola ko. Nagsumbong siya sa akin dahil dun sa kapitbahay nilang tenant na dapat putulan na ng utin! Ay! Nakakakulo talaga ng dugo! Kung may ebidensya lang ako papakulong ko yun. Sarap maging Vendeta sa totoo lang. Napa-lecture pa tuloy ako ng tungkol sa family code at sa moral responsibility / obligation dun sa tenant na yun. Well mabuti na yung informed sila tungkol sa mga ganung bagay.
Kasi ang thinking niya na hindi naman niya kaano-ano yung tao kaya ayaw nila makialam sa mga domestic disputes. Sino nga naman ba siya para pumapel sa mga ganung bagay. Kaya maraming krimen na nangyayari sa bahay e...dahil walang pakialam ang mga tao na nakapaligid sa kanila.
Tapos nandito na ako ngayon. Nagkaroon ng sipag ulit para tapusin na ang paper na ito. Pero medjo nadidistract ako kasi may labanan na nangyayari! Nae-excite ako! Parang movie house tuloy itong shop na ito dahil ang daming miron! Dahil sa Warcraft: DOTA (Death of the Ancients). Oh joy! Kasi ibig sabihin nito maraming sales :D
Ayun lamang. :)
p.s. antok na ako...tinatamad na naman ako gumawa :(
No comments:
Post a Comment