6.19.2006

untitled

ilang araw na rin akong very emotional...well actually the day nang malaman ko yun ay wala akong maramdaman. na-shock siguro ako sa balita. at habang sinasabi sa akin ang sitwasyon utak ko lang ang gumagana, pilit na tinatandaan ang bawat detalye.

tatay ko naman very casual about it...pinaguusapan namin ang kamatayan....na tanggap na niya ito, na its inevitable, na normal lang sa tao ang mamatay, na natural lang ito...cycle of life...it is the graduation from the physical world...same with birth.

was trying very hard to control my tears, my emotions and my thoughts. di nila kasi dapat makita na weak ako. ate ako e. have to be strong for them. pero i know na strong din naman sila. i told some of my friends about it...di ako umiiyak, actually nakakatawa pa nga ako. pero nung sinabi ko kay danny at dun sa madreng kaklase ko di ko napigilan ang pagpatak ng luha ko...pigil pa yun. kinokontrol ko pa...may mga kliyente pa kasi akong naka-schedule nun. hirap pala nun. hirap na magpanggap...

sobrang tamad akong kumilos, gusto ko matulog buong araw para wala akong iniisip. gusto ko tumitig na lamang sa kawalan. pero di dapat. maraming kailangang gawin.

ok naman daw siya ngayon...confirmed na nga na may cancer cells na nakita sa lungs nya. hindi sya umiinom, di kaya nakuha yun sa mga chemicals sa bahay? malamang second hand smoke. kung anuman yun, mabuti na lang at nandun siya dahil alam ko kung gaano ka-advanced ang teknolohiya doon at alam ko rin na mas maaalagaan siya at malulunasan ang kanyang kaso kaysa dito. biruin mo, dito walang findings pagdating dun, dun lumitaw. minabuti na siguro ng Diyos yun, wish ko lang nga kapiling ko sya. lahat ng sitwasyon nakikiayon sa kanya, maging ang mga tao na tumitingin sa kanya. scheduled na siya for operation in two weeks daw. baka tanggalin ang buong kanan na baga nya. we're all very optimistic.

please help me pray for my mom's successful operation.

but then, hindi lang yung sakit nya ang dahilan kaya sya nandun. may plano ang Diyos na unti-unting ipinapaalam sa amin. di ko pa masyado maintindihan. darating din tayo diyan.

3 comments:

vanina said...

hi mia! i hope everything goes well. let the tears come. it helps. sometimes to be strong we have to show that we can be weak.

Anonymous said...

thanks vanz :)

honey said...

Hi Mia! sorry late ako sa pagbasa ng blog mo... sana succesful operation ng mom mo, and that everything's well over there with you and your mom. i know how strong you are, but as vanina said, sometimes it helps to let the tears fall. aja aja! fighting!