Barko
Sumakay kami ni papa ng barko papuntang Ilo-ilo, thinking that this would be fun. Just like my childhood days when we would go every summer. Nyeta, it was a bad idea to take tatami instead of the cabin or the budget fare. Parang daycare center yung part ng barko na yun. Soooobrang daming bata ages from 0-5 years old ang nandun! Kainis! Until I discovered the rear side of the ship.
After we settled down, we went to the canteen ang then dun sa dulo ng barko. Mas tahimik dun, mas mahangin, at mas peaceful. Walang mga batang sabay-sabay na nag-iiyakan. Kitang-kita mo pa ang mga bundok ng cavite, batangas at quezon. Nagkaroon kami ng papa ko ng time na makapag-usap tungkol sa aking pag-alis.
Nang kinagabihan, hindi ako masyado makatulog. Pumanhik ako sa tuktok ng barko. At doon nag-star gazing at magmuni-muni. Sarap. Mahangin pero hindi masyado malamig ang hangin. Kakaunti ang taong nasa paligid na nagmumuni-muni rin.
Medjo naaamoy ko ang usok mula sa chimney ng barko. Pero ayos lang di naman ganun kasama. Nakikita ko pa minsan na may lumalabas na siga mula sa barko, parang upos ng sigarilyo sa kadiliman. Naglalaro sa hangin at sa ibabaw ng barko. Sumasayaw. Ang ganda. Sana laging ganun.
Kala ko sa San Dionisio kami pupunta. Dun sa bahay ng lola ko sa bundok na malapit sa beach. Yun pala sa city pero ok lang, maganda rin naman yung bahay at tabing dagat din. Very peaceful except for the punyetang mga aso ng kapitbahay at mga nakapaligid na mga borders na papampam.
Talaba at Kugon
I could not believe the price of talaba dito sa Ilo-ilo. 30 pesos lang ang isang parang basket nila, na kung sa Manila ang cost nun ay around 200 pesos!!!!
Sarap actually...parang three buckets of talaba yun! Ako ang may pinakamarami na nakain. Ganyan ko ka-love ang mga sea foods! Mas masarap sana kung kasama nun ay beer. As in! Pero syempre kasama ko ang tita ko at ang menor de edad ko na pinsan hindi pwede. Nag-shandy na lang kami. AT oo nga pala nakalimutan ko na hindi nga pala ako umiinon ng beer
Ganda ng ambience. Parang boracay ang dating. Yun nga lang instead na nakaharap sa beach ang mga restaurants nakatalikod sila sa beach.
Tatoy's Manukan at Seafoods Restaurant
If ever you will visit Ilo-ilo, don't miss Tatoy's, sarap! Lalo na ang manok nila. Native chix kasi at sarap ng marinade na ginamit.
Balita ko din na dito nagpupunta daw si GMA for dinner or lunch pag nandito siya sa Ilo-ilo.
Grabe sarap ng mga pagkain dito talaga. Wag nyo na akong pansinin if you see me gained a few pounds. Can't help it eh.
5 comments:
oi... taga Iloilo ka? Ako din. Mama's side actually. Sa may Jaro.
Lalang :)
haller ga! well actually papa ko ang taga-iloilo tapos mama ko ang tubong pasig talaga. sa san dionisio yung ancestral house namin pero ang mga tita ko at lola ko ay nakatira na ngayon sa villa...malapit sa morro...yung mga tito at tita ko naman nakatira sa jaro kaya ayun paikot-ikot din ako pag-nasa iloilo ako...
so marunong ka mag-ilonggo?
dyutay man. nakakaintsindi pero di ko kabalo mag-speak . Hahahaha! sorry, trying hard ata. Nahilo ako sa pag-tour mo sakin. :D
hehehe pareho tayo...oks naman ang tate...nakakuha ako ng work dito as caregiver nga lang pero ok na ito kesa naman sa nandito ako tapos wala akong ginagawa...mukhang matatagalan ako dito dahil nga sa maderaka ko...but everything is going well...may business chuvaness din na inaasikaso sana matuloy altho long way pa...pero at least naumpisahan na...wish ko lang talaga matuloy ito...ayun lamang...
I had been there again sa Tatoy's Manukan last week. It never change a lot in five years time. Ganon pa rin. I love the place. And I agree, mas mura ang seafoods doon compared to Manila. I ordered talaba when I visited there and I ate a lot.
Post a Comment