8.28.2006

Ala lang

Ine-encourage ko yung mga residente namin na maglakad as a form of exercise. So habang dala-dala ni Juanita ang kanyang walker sinamantala ko ang pagkakataon...take note may alzheimer's si Juanita kaya wag ka na magtaka...

Ako: Juanita, walk towards the gate.

Juanita: Well, in other words...go get the broom and sweep! (gusto kong hanapan ng koneksyon pero hindi ko magawa!!!! At wala akong nakikitang walis sa paligid)

Medjo malaki ang facility at mukhang may demand sa mga tamadans na manirahan sa mga home assisted facilities for the elderly so gumagawa sila ng ikatlong bahay...malapit na actually matapos yung bahay...

Lillian: Did you know what kind of mess they did to the house next door? (May dementia sya ha...so ilang beses ko na siya sinabihan na may ginagawang bahay sa kabila bilang extension ng existing facility)

Ako: Yes...

Lillian: They can do better than that! (nga naman!)

Ay!!! Kakalorka!

Pero in fairness nage-enjoy ako sa ginagawa ko ngayon ha...I don't see it as a work. Kasi kahit papaano naa-apply ko rin ang ilang mga bagay na napag-aralan ko. Hands on experience with people na may dementia, alzheimer's and parkinson's disease.

Masaya na medjo mahirap (or should I say nakakadiri lalo na pag tumatae si Phyllis pero that's part of their disorder...sanay na nga ako sa amoy ng tae nya at hindi na ako nasusuka ever...pwede pa ako kumain ng kanin at ulam sa harap nya ng hindi nasusuka)

Kaya siguro di ako nakakaranas ng pagod kahit na nagising ako kaninang alas-tres ng madaling araw at sus ginuu!!! Tumambad sa akin ang hubong katawan ni Juanita! Dyos mio gulat ko lang! Para bang isang masamang panaginip!

Well it's all part of work! Para kay mother :D

3 comments:

Anonymous said...

haler lola mayang!!!!!!!!!Ü kumusta nmn ang mga "hubad na katotohanan" na tumatambad sau jan sa istates??;p heheheh!!!!;p aus pla jan e!libre ang live show!!!!hahahah!!!!;p it's good to know that u'r enjoying ur stay there khit na andaming surprises sau ng mga tae, este tao jan..hehehe...;p hope you and mama odeng cud cum home soon...miss na nmin kau,sobra...lalo na ang ever delicious mong kilikili ate mi!!!!!!!!hahahah!!!!!!!!!!!!;p we are always praying for you, esp for mama odeng's fast healing...:) ingat lagi and god bless you po!!! *hugs!* pls giv our tyt hugs to every1...esp to mama odeng and barukbok..hihihih!!! *mwah!*Ü

TeBaN said...

i am gladyou are happy there. =) magsulat ka pa. nakakaaliw basahin. =) miss you dear. =)

Anonymous said...

Nanay,

Haller! Maraming salamat sa note. Mabuti naman kami ni mother dearest ditech. Miss ko na rin kayo at ang ka-busihan dyan sa pinas. Hamo para di mo ma-miss ang kilikili ko papadalahan kita ng pabango na kapareho ng scent nito para di mo masyado mamiss bwahahaha!!!

Niel,

Kakalorka nga talaga ever ditech. Saka nagagamit ko talaga ang psych sa paguuto-uto sa mga residente namin. Plus with the crises we are in (nadagdagan pa nga actually ng iba) nagagamit ko ang aking counseling skills din for normal people naman din. siguro yan ang isa sa mga reasons din kung bakit ako nandidito ngayon. not just for mother. hamo mangongolekta pa ako ng mga stories ng mga tamadans dito :D