OK lang kahit di na muna makauwi.
Ok lang na di na muna ako makapagtrabaho sa trabahong gusto ko. OK lang na mabinbin ang pag-aaral ko.
Ok lang na mapagod ako sa araw-araw na ginagawang pangungulit at pag-aasikaso sa mga residente ko. Ok lang kung wala muna akong "life" ngayon.
Ok lang na hindi ko nabibili ang mga gusto kong bilhin mula sa sweldo ko. Ok lang na mapunta iyon lahat sa pamilya ko, lalo na sa mama ko.
Ok lang na hindi ako halos makatulog sa gabi. Ok lang na mukha na akong raccoon dahil maitim na ang paligid ng mga mata ko. Ok lang na nagiging acidic ako dahil sa tension na nararamdaman ko.
Ok lang na maging makapal ang mukha. Ok lang na magpakamanhid na muna sa sinasabi ng iba.
Ano ba naman ang kakarampot na panahon na iuukol ko para sa kanya. Ok lang…basta maging ok lang ang mama ko.
Tuloy ang laban!
No comments:
Post a Comment