Wish ko nasa bahay ako. Pero pag nasa bahay ako wish ko nasa labas ako.
Saan ko ilulugar ang sarili ko? Kala ko di ako mapapagod....not physically.
I'm emotionally drained.
Pwede bang humigop ng lakas? Makakahigop ba ako ng lakas?
Kanino? Saan? Paano?
=====================================================================
Ang pasko ay para sa mga bata at bata ang isip.
Oo nga.
Weirdong taxi driver. Ano tinitingin tingin mo dyan sa rear view mirror mo?
Feeling guwapo. Mukhang abnoy. Nakikita ko sa mukha mo ang isang child molester.
Paranoid.
====================================================================
Payat mo ngayon ah. May iba sa mukha mo. Para kang tumanda.
Wala pa ring love life ano? Hindi mo inaasam?
Hindi priority. Dami pang responsibilidad.
Oo nga.
Sana tayo na lang.
===================================================================
Noong 6 years old ako:
Pag lumaki ako gusto ko maging scientist!
Ngayong 28 na ako:
Pag bumata ako, gusto kong maglaro ng maglaro!
==================================================================
Pwede ba matulog?
Paputol-putol na tulog.
Di matahimik na utak, nagiisip ng mga paraan.
Sapat na ba ang mga salita para mabuhayan ka?
Eh paano naman ako?
Tatakbo na lang ako.
Magbubuhat ng kung anu-ano.
Sasayaw na muna.
Magkukulong ng ilang minuto sa loob ng mainit at mausok na kwarto.
Mag-iisip.
Matutulog.
==================================================================
Puwede bang wag nang kumilos?
Puwede bang wag nang mag-isip?
Puwde bang matulog na lang habang buhay?
Pero kumikita pa rin?
==================================================================
Kumakalam
Bababa ba?
Andyan pa kaya siya?
May laman pa kaya ang lata?
Natatakam
Bababa na.
No comments:
Post a Comment