Well, yan ang tawag ko kasi di ko alam kung ano ang itatawag ko sa experimentong yan. Bakit Mexican? Pag natikman mo malalaman mo kung bakit.
1 kilo chicken cut into medium size pieces (safe na yung tinola cut)
about 10 pcs. tomatoes
2 big white onions
1 medium sized red onion
1 clove garlic, minced
3 big potatoes, cubed and fried
2 big green bell peppers
pepper, salt and taragon leaves
around 2 tbsp tomatoes paste (for coloring lang actually if tomatoes are pale in color)
grated cheese (Queso ginamit ko by Kraft)
tobasco sauce (optional, wag gumamit kung may hemorrhoid ka)
cooking oil
1. Blender mo muna ang lahat ng tomatoes at ung 1 1/2 ng white onion. 1 and 1/2 white onion lang. Set aside.
2. Saute garlic, onion and chicken
3. Put salt, pepper, and taragon leaves. (Ingat lang sa paglalagay ng salt dahil maglalagay ka pa ng cheese mamaya)
4. Let the chicken simmer hanggang sa wala ka nang nakikitang dugo sa buto nya. (You can also use chicken fillets, pero kung ito ang gagamitin mo, wag ka masyado magpakulo ng matagal para hindi malabog, iprito mo na lang sya at maghanda ka na lang ng chicken stock)
5. Wag ka maglagay ng tubig dahil magtutubig yung chicken lalo na kung frozen. Kung fresh sya hindi sya masyado magtutubig so hayaan mo lang syang maprito sa pagkaka-saute mo. Kung matubig sya prito mo sya on a separate pan. At hayaan mo lang kumulo yung broth with the sauteed garlic and onions. After 30 sec or less na kumukulo sya ihalo mo na yung na-blender na tomatoes at white onion. Hayaang kumulo.
6. Pag nakita mo na medjo pale yung mixture, maglagay ka ng tomato paste para lalong pumula.
7. Ilagay ang bell peppers
8. Maglagay ng cheese. (Ingatan ang paglalagay ng cheese dahil baka mapaalat ka)
9. Let it simmer until sauce becomes thick. (or until mawala yung masyadong pagtutubig
10. Sa isang white dish (gusto ko white kasi magandang tingnan...bakit ba!?) ilagay ang na-saute na napritong manok at fried potatoes...saka ilagay ang tomatoes churva sauce. Saka maglagay ng grated cheese sa ibabaw.
Serves 5 to 10 people...depende kung gutom ang kumakain o kung malakas o mahina kumain yung tao.
Patok sa mga kabarkada ng bro ko..who were clamoring for more.
Pix? Wala e...naubos na ung luto ko e.
Feeling ko hyper ko ngayong araw na ito...kagagawa ko lang din kasi ng coconut cream pie (ung instant na nasa box of course + graham crackers for the crust, naunahan ako ng langgam dun sa crust at coconut toppings, so I used grated hershey's chocolate as the replacement)
Tomorrow will try Shepherd's pie...un e kung may momentum pa rin ako.
No comments:
Post a Comment