Ok ok ok ok...halata talaga na wala akong magawa habang nagbabakasyon ako. Kinakarir ko na nga itong ginagawa ko dito sa computer shop namin.
Actually, hindi sa wala akong magawa. Marami akong gagawin. Let me correct that. Dahil sa sobrang wala akong magawa at nababato ako dahil nga nagresign na nga ako sa trabaho ko eh naghahanap ako ng mga gagawin.
Looking forward sa pagtinda ng mga fishball, squidball, kikiam at hamburger with matching sago't gulaman. Kakaririn ko na rin muna ang paggawa ng mga invitations at typing jobs dito sa computer shop namin. At sana mag-place na ng sandamakmak na order ng handmade soaps ang friend ni Carol for export. Well mga prospect pa lang naman pero malay mo.
Malay mo rin nga dito sa pagb-business ang landas na dapat kong patunguhan. Well bahala na. Naiinip ako, tagal kasi ng pasukan sa school. I wouldn't want to be caught dead doing nothing.
And sa sobrang pagkaboring ko yata..siyempre di naman lagi may nagpapagawa ng mga typing jobs and invitation at hindi pa nagstart ang pagtitinda ng mga nabanggit ko sa taas e gumawa muna ako ng photo album at blog sa friendster. Check nyo na lang kung wala rin kayong magawa na tulad ko :D
No comments:
Post a Comment